Luna Awards, 12 pounds ang ipamimigay na trophy!
Napaka-ambisyoso nitong revamp at reboot ng Luna Awards na binuo ng Film Academy of the Philippines (FAP).
Nagkaroon sila ng media conference kahapon na ginanap sa Wolfgang Premiere ng Gateway 2 sa Cubao, Quezon City.
Idinetalye nila lahat ang proseso ng pagpili ng nominees, at nilinaw na ang cut-off ng pagpili ng mga nominado ay nagsimula ng October 2025 hanggang September 2026.
Pero dahil sa ilang taon ding walang Luna awards, mamimigay naman sila ng special citation sa mga pelikulang ipinalabas noong taong 2024 hanggang 2025.
Doon sa mediacon ng FAP, in-unveil na rin ang bagong trophy na ipapamahagi sa winners. Ito ay idinesenyo ng batikang visual artist na si Joel Orosa Paraiso.
Kakaiba ang design nito na malayo sa unang trophy ng FAP na naging Luna Awards. Napakabigat ng trophy na 12 pounds pala ang timbang. “That’s part of the revamp and the reboot.
“We also have to distinguish our look on a global level. You know how it is on a global level, an actress will win a Goya o kaya another award alam n’yo ‘yun.
“We want Luna that kind of distinction,” tugon ni FAP Director General Paolo Villaluna.
Bukod pa rito, meron pang cash prize ang winners, pero hindi pa nai-share ni DG Paolo.
So far, maraming Cinemalaya movies ang may pinakamaraming nominasyon. Pero hindi rin nagpahuli ang Quezon ni Direk Jerrold Tarog.
Nominado ang Quezon sa Best Picture category kasama ang Bloom Where You Are Planted, Cinemartyrs, Filipiñana at Mag-iina.
Sa Best Director ay sina Jerrold Tarog ng Quezon, Giancarlo Abrahan ng Mag-iina, Jun Lana ng Sisa, Nonilon Abao ng Bloom Where You Are Planted, Rafael Manuel ng Filipiñana, at si Sari Dalena ng Cinemartyrs.
Sa Best Supporting Actors naman ay sina Lucas Andalio ng Mag-iina, Mon Confiado ng Quezon, Joey Marquez ng 2 Valid IDs, Romnick Sarmenta ng Quezon, Will Ashley ng Bar Boys: After School at si Nanding Josef ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Sa Best Supporting Actress ay sina Bituin Escalante ng A.ni.mal, Dolly de Leon ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, Eugene Domingo ng Sisa, Jackie Lou Blanco ng Mag-iina, Odette Khan ng Bar Boys: After School at si Rochelle Pangilinan ng Child No. 82.
Sa Best Actor ay sina Carlo Aquino ng Bar Boys, Elijah Canlas ng Edjop, Jericho Rosales ng Quezon, Jojit Lorenzo ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, Piolo Pascual ng Manila’s Finest at si Vice Ganda ng Call Me Mother.
Sa Best Actress naman sina Krystel Go ng I’mPerfect, Jodi Sta. Maria ng Midnight Girls, Marietta Subong ng 2 Valid IDs, Mylene Dizon ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Ang FAP ay binubuo ng mahigit 2,000 members mula sa iba’t-ibang guilds.
Parang mala-Oscars ito na magkakaroon ng botohan mula sa iba’t-ibang guilds. Kaya puwedeng mangampanya para manalo.
Simula ngayong araw hanggang Dec. 5 ang kampanya at botohan, dahil ang awarding nito ay nakatakda sa Dec. 10 na gaganapin sa Manila Hotel.
May tatlong special awards silang ipapamahagi; ang Rosal Rosal Lifetime Achievement Award, Carmen Concha Trailblazer Award at Eddie Garcia Community Service Award.
Sa mga susunod na araw ay mag-a-update ang FAP ng iba pang detalye sa nalalapit na Luna awards.
‘I Love being single’ – Ruffa
Naniniwala si Ruffa Gutierrez sa panalangin lang daw talaga kumapit kapag tingin mo wala ka nang pag-asa. “Prayers. Prayers really move mountains. And with God, anything’s possible,” pakli ni Ruffa sa ginanap na launching ng kanyang bagong endorsement na Biostile cosmetics.
“So, importante sa akin talaga ‘yung pagmamahal sa pamilya, ‘yung faith in our Lord na when we feel that wala nang hope talaga, wala na tayong pag-asa. ‘Yung panalangin natin sa Panginoon. ‘Yun lang talagang nagbibigay sa atin ng pag-asa.
“And maraming, maraming salamat sa lahat ng mga nagdasal for my family. With my Dad when he was sick, for my mom when she also was going through something, and is still going through something,” pahayag pa ni Ruffa.
Sa panahon ngayon, mas gusto na lang ni Ruffa na makasama ang pamilya at mga kaibigan kaya isinasantabi muna niya ang lovelife.
Sabi nga niya, baka next year pa raw siya mag-entertain ng suitors.
Bukod sa pamilya, ang isa pang nae-enjoy ni Ruffa ay ang kanyang pag-iisa. “So now, that I’m empty nester, wala ‘yung mga anak ko sa bahay. They’re both in America. I love the freedom of me just getting up and go without asking anybody’s permission.
“I thought na magiging malungkot ako. But because, I’m so busy, ang daming puwedeng gawin.
“So ito may trabaho ako ngayon. I spend time with my family. I spend time with my friends. I have work, you know, I’m studying. There’s a lot of things that I can do. So by the time I get home, I enjoy silence,” napangiti niyang pakli.
Pagdating sa lovelife, tinanong namin kung puwede kayang ma-renew ang dating pag-ibig na ang tinutukoy siyempre ay ang ex niyang si Herbert Bautista? “Well, renewing relationships, and having new characters in your life, only time will tell. And I think I leave unto the Lord, o ‘di ba. As of now, I love the freedom that I have. I love being single because I’ve been in a relationship for so long.
“So, I love having the freedom to just get up and go without asking permission from my parents when I was young or with a partner as I got older.”
Ang laki ng ipinayat ni Ruffa at maganda ang kanyang pagpayat. Ipinagmalaki niyang umabot ng 45 pounds ang nabawas sa kanyang timbang.
Ano ang ginawa niya para ma-achieve ang ganun kapayat? “Workout and diet,” sambit niya.
“I started working out January of last year. So, hindi siya biglaan. It was a slow process, but I think it was good process because I wasn’t saggy, you know.
“I think if you do it fast, medyo magsa-sag ka agad. So, lalambot ang katawan mo. So I love the way that I was able to lose weight little by little, and yet I still enjoy eating food that I love. That’s bawal once in a while. So, every maybe twice a week, I still have my cheat days,” sabi pa ni Ruffa Gutierrez.
- Latest

























