^

Punto Mo

Bato-bato kay ­Bonget ang tamaan ­makasingkit

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Kawalang galang sa bayan ang ginawa ng mga raliyista sa pagsabay sa protesta sa pagsalubong natin sa mga lider ng mga bansang kabilang sa ASEAN Summit ‘26 na dinaluhan ni US President Donald Trump.

Napakaraming araw na puwede namang ipahayag ang kanilang karaingan na pinahihintulutan naman ng gobyerno ayon sa itinatagubilin ng batas na kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at karaingan, pero bakit ginawa ito sa isang sagradong pagtitipong may kinalaman sa seguridad, negosyo at pangkalahatang unawaan ng nagkakaisang bansa sa Southeast Asia.

Hindi kaya naisip ng mga raliyista ang magiging pagtingin ng pamunuan at mgà mamamayan ng ASEAN countries sa mga OFW’s natin na nasa kanilang bansa na naghahanapbuhay?

Wala sa tamang panahon ang ginawang ito ng mga  Anti-Pax Silica, Anti-US Military bases dahil malalagay diumano sa panganib na mawalan ng lupang sakahan ang mga magbubukid at manganganib ang bansa na magkaroon ng giyera.

Matagal na tayong umaasa sa produksyon ng bigas, isda, manok, karne ng baboy, gulay, mani at sigarilyo sa ibang bansa kaya dumami ang smugglers ng agricultural products. Bakit hindi sila nagpoprotesta sa mga chinese businessman/smugglers na narito sa bansa natin na pumapatay sa industriya ng pagsasaka? Hhmmmn!

Nagprotesta ba sila ng maigting sa mga POGO operations na ang karamihan ay namili ng lupain ng mga magsasaka para pagtayuan ng napakaraming iligal na negosyo? Nakapagtatakang wala o bihirang namamalayan ng mamamayan. O ‘di ba?

Baka naman Anti-BBM lang talaga ang karamihan at ibig lang ipakita sa ASEAN Summit participants kung saan ay hindi kabilang ang China. Na ayaw nila sa ginawang pagkakapit bisig nina US Pres. Donald Trump at BBM sa isyu ng West Philippine Sea. Hindi ko sinasabing Pro-China sila ha? Tandaan n’yo, hindi ko sila pinagbibintangan na hindi sila makabayan. He he!

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with