^

Punto Mo

16-anyos na australian, kinilala bilang pinakabatang software engineer!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa Australia ang kinilala ng Guinness World Records matapos maging pinakabatang male software engineer sa mundo sa edad na 16.

Si James Bigg ay opisyal na na-verify bilang record holder noong March 30, 2026 sa edad na 16 para sa title na “youngest software engineer (male).”

Ngayon ay 17-anyos na si James at nagtatrabaho bilang software engineer sa ResQVision, isang Australian technology company na gumagawa ng AI-powered surveillance systems para makatulong sa public safety at rescue operations.

Kabilang sa kanyang trabaho ang pag-develop at pagpapahusay ng artificial intelligence software na nagmo-monitor sa coastal areas, tumutukoy sa posibleng panganib at tumutulong sa rescue personnel na mas mabilis na makaresponde sa emergencies.

Ayon kay James, espesyal para sa kanya ang trabaho dahil alam niyang ang technology na ginagawa niya ay maaa­ring makatulong sa pagliligtas ng buhay.

Maaga siyang nagsimulang magkaroon ng interes sa technology. Sa edad na 10, nakatapos na siya ng enterprise networking course. Pagsapit ng 13, mayroon na siyang limang course certificates at professional certificate sa data science.

Habang nasa high school, kumuha rin siya ng university-level subjects sa halip na hintaying makatapos ng senior high school. Sa edad na 15, nagsimula siyang maging intern sa tech industry, kung saan lalo niyang natuklasan na mas interesado siya sa hands-on software engineering.

Lumaki si James malapit sa Australian coast at nakakita mismo ng mga insidente ng pagkalunod sa kanilang lugar, dahilan upang magkaroon siya ng interes sa paggamit ng technology para maagapan ang ganitong emergencies. Ayon sa kanya, naniniwala siyang malaking tulong ang AI sa public safety dahil maaari itong makakita ng panganib nang mas maaga at makatulong sa mas mabilis na pagdedesisyon.

Umaasa rin siyang magsisilbing inspirasyon ang kanyang karanasan sa ibang kabataan na huwag hayaang maging hadlang ang edad sa pag-aaral at paggawa nang makabuluhang bagay.

GUINNESS WORLD RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with