Tatum, George idiniretso Celtics sa ika-5 dikit

ORLANDO, Fla. — Bumira si Jayson Tatum ng 32 points — ang 15 dito ay mula sa free-throw line — at nagdagdag si Paul George ng 17 markers sa 108-97 paggupo ng Boston Celtics sa Magic.
Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Boston matapos matalo sa una nilang laro.
Umiskor si Anthony Black at Tristan Da Silva ng 23 points para sa Orlando (2-4).
Nakahugot ng magandang depensa ang Celtics kay Neemias Queta sa huling dalawang minuto ng fourth quarter, samantalang ang three-point shot ni George sa 1:32 minuto ang nagbigay sa kanila ng 11-point lead.
Hindi na nakadikit ang Magic na naglaro na wala si injured Paolo Banchero (high-ankle sprain).
Ipinoste ng Boston ang isang 15-point lead sa third period bago nakabangon ang Orlando mula sa limang triples ni Da Silva para sa kanilang 74-77 agwat papasok sa final canto.
Itinabla ni Black ang Magic sa 79-79 matapos makumpleto ang kanyang three-point play kay George.
Sa Los Angeles, naglista si Luka Doncic ng 45 points, season-high 15 rebounds, anim na assists at limang steals para tulungan ang Lakers sa 131-125 panalo sa Toronto Raptors.
Kumonekta rin si Doncic ng walong three-pointers sa pagbangon ng Los Angeles (5-2) mula sa naunang 17-point loss sa Golden State Warriors noong Biyernes.
Sa iba pang laro, pinadapa ng Golden State Warriors ang Los Angeles Clippers, 124-112; at wagi ang Brooklyn Nets sa Indiana Pacers, 98-90.
- Latest



















