Blazers sumiksik sa top spot

MANILA, Philippines — Sumiksik ang College of Saint Benilde sa three-way tie sa top spot ng Group A matapos talunin ang Lyceum of the Philippine University, 107-103, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Maynila.
Nagtala si John Morales ng 18 points para ihatid ang Blazers sa tuktok ng Group A kasama ang defending champions San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers.
Nanagasa agad ang St. Benilde sa kaagahan ng laro at hinawakan ang isang 15-point lead sa first quarter at maging sa second ay nanatili ang pagiging mainit na kanilang laro para sa 67-51 abante sa halftime.
Lamang pa rin ng 16 puntos ang Taft-based squad, 87-71, sa pagtatapos ng third period matapos sabayan ang Lyceum.
Nagbalak na makasilat ng Pirates sa fourth quarter matapos makadikit subalit naging matatag ang Blazers kung saan nagsalpak ng tres si Matthew Jucom para sa kanilang 93-102 bentahe sa huling 1:16 minuto ng labanan.
Naglista si Jucom ng 23 points, pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals at may 18 at 17 markers sina SJ Moore at Jhommel Ancheta, ayon sa pagkakasunod.
Humarabas si Matthew Rubico ng 28 markers para sa Lyceum na may 4-7 baraha.
- Latest

















