Regine at Ogie, nagpa-ty doc para pumayat

May tulong din pala ng doctor ang pagpayat nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Ipinost ni Ogie ang tungkol dito.
Siya aniya ay 11 pounds na ang nabawas.
“Noon at Ngayon! Gusto talaga namin ni misis na mas gumanda ang health namin but the truth is age has caught up with us.
“So Regine sought the help of Dr Roland angeles Angeles who is a family friend. She also started training as she was preparing for her concert series.
“She has become radiant and has lost all the unwanted pounds.
“Sumunod na ako dahil parang tito lang ako pag katabi ko siya.
“i have lost 11 pounds malapit ko na ma reach ang ideal weight ko.
“Slowly, surely, and safely. Ty Dr Roland Angeles,” buong post ni Ogie.
Bagay ang pagpayat sa mag-asawa hindi katulad ng ibang parang natuyot.
Marvin, pasok ulit sa Michelin Guide
Hindi lang sa school magaling si Principal Pio – pati sa kusina, award-winning!
Another reason to celebrate nga for actor and restaurateur Marvin Agustin as his restaurant Cochi once again earns the prestigious Michelin Bib Gourmand recognition!
Matapos mapabilang sa inaugural Michelin Guide selections sa Pilipinas noong nakaraang taon, muling napanatili ng Cochi ang pagkilalang ibinibigay sa mga restaurant na naghahain ng masasarap at de-kalidad na pagkain at great value.
At siyempre, hindi magpapahuli sa celebration ang kanyang longtime onscreen partner na si Jolina Magdangal, kasama ang buong cast, production team ng Mommy Guard, at ang TV5 family!
Kinikilig ang viewers sa tambalang Tina at Principal Pio sa Mommy Guard pero in real life, ibang klase rin ang achievements ni Marvin, na patuloy na pinagsasabay ang kanyang pagmamahal sa pag-arte at ang passion niya sa food business.
From being one of the country’s most loved leading men to becoming a successful restaurateur, patunay si Marvin na puwedeng magtagumpay sa iba’t ibang larangan kapag may sipag, puso at passion sa ginagawa.
Principal sa Mommy Guard. Michelin-recognized restaurateur in real life, iba talaga ang standards niya.
At habang patuloy na umaani ng tagumpay si Marvin sa restaurant business, abangan din ang kanyang nakakakilig at nakakatuwang moments kasama si Jolina sa Mommy Guard, Mondays to Fridays, 2:30 p.m. sa TV5 at ABS-CBN platforms. Available rin ang episodes sa Netflix at TV5 YouTube channel.
Anyway, opisyal ngang inilabas ng Michelin Guide ang kanilang selection para sa 2027, na nagtatampok sa 31 restaurants na nakatanggap ng pagkilalang Bib Gourmand.
Kinikilala ng kategoryang Bib Gourmand ang mga establishment na naghahain ng “exceptional food at great value.”
Vice, balik sa pagpapatawa
Nagbabalik si Vice Ganda bilang host ng sikat na comedy series LOL Philippines sa Prime Video.
Known for her quick wit, larger-than-life humor, and ability to keep both contestants and audiences on their toes, Vice Ganda once again takes control sa LOL terminal with Season 2, where one rule remains unchanged: laugh, and you’re out.
“Ito talaga ‘yung pinakabardagulan na comedy show na mapapanood nating lahat,” sabi ni Vice sa nasabing programa sa ginanap na media conference nito recently.
“It’s a mirror of our culture, everything that is happening in the Philippines and around the world kayang-kaya natin gawin ng katatawanan,” dagdag ni Vice.
Present din sa LOL PH season 2 media event ang 10 kalahok sina Long Mejia, Epy Quizon, Candy Pangilinan, Ethel Booba, Pooh, Donna Cariaga, Chariz Solomon, Esnyr, James Caraan at Charuth.
- Latest






















