^

Police Metro

10-anyos na katutubo ni-rape slay

Joy Cantos - Pang-masa

Hubo’t hubad na itinali sa puno…

MANILA, Philippines — Hubo’t hubad na nakatali ang mga kamay at paa sa isang punong kahoy ang katawan ng isang batang babaeng umano ay ginahasa at pinatay sa isang liblib na lugar sa South Upi, Maguindanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima sa alyas Cyll, isang Grade 5 pupil at residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ni P/Captain Steffi Salanguit, Spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Brgy. Romongaob, South Upi ng lalawigan.

Ayon sa opisyal, nakatali sa puno ang leeg ng nasabing batang babae nang ma­tagpuan ang labi nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing kaso at inaalam na rin kung inabuso itong sekswal ng hindi pa kila­lang salarin bagaman sinabi ng pamilya nito hinalay muna bago pinaslang ang bata.

Nag-alok naman si South Upi Mayor Helen Benito-Padua ng P50,000 reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan at ika­aresto ng suspek.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with