^

Pang Movies

Sofia, laging dawit sa intriga ng pamilya ng partner?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sofia, laging dawit sa intriga ng pamilya ng partner?!
Sofia Andres
STAR / File

Idinenay ni Sofia Andres ang mga bintang na kontra siya sa relasyon nina Ella Pangilinan at Enrique Miranda.

Aniya pa ay hindi raw niya itinuturing ang pamilya bilang isang kumpetisyon.

Marami ngang nagulat na Instagram Story ni Sofia noong Sabado, Oct. 24.

Aniya, gusto raw niyang linawin para sa kanyang sarili at pamilya.

Lahat daw ay may magkakaibang landas, sitwasyon at paraan ng pagbuo ng kanilang buhay.

Si Sofia ang karelasyon ng race car driver na si Daniel Miranda, habang si Ella ay misis ni Enrique Miranda, kapatid ni Daniel.

Hinimok din ng aktres na sana ay itigil na ang pagkukumpara sa mga kababaihan, pati na rin sa kani-kanilang mga relasyon at pamilya.

“I want to make one thing clear. Standing up for myself and my family does not mean I am against anyone.

“I have never viewed family as a competition. We all have different journeys, circumstances, and ways of building our lives,” sabi niya sa nasabing post.

Kakatapos lang ng interview nina Ella at Enrique kay Karen Davila.

Kapatid ni Donny Pangilinan si Ella at may isang anak na sila ng mister na pinangalanan nilang Fernando Leon.

Sina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa ang mga magulang nina Ella at Donny.

Pinupuri siya ng iba sa nasabing interview na simple lang daw ito pero kinontra ito ng iba na hindi totoong simple lang ito, hindi lang daw loud ang mga brand pero luxury brand din ‘yung mga kagamitan ni Ella.

But anyway, ba’t kaya laging naiintriga si Sofia?

Maaalalang diumano’y si Sofia rin ang nagsumbong kay Jake Cuenca na nakikipag-date si Chie Filomeno sa pinsan ng kanyang partner na si Cebu-based businessman Matthew Lhuillier.

Si Sofia diumano ang tumawag kay Jake noon upang sabihin na nakita niyang magka-date sina Chie at Matthew.

Eh hindi pa raw break noon sina Jake at Chie.

Pero hindi rin naman nagtagal sina Chie at Matthew.

Sadya kayang lapitin ng intriga si Sofia o malakas lang ang dating ng kanyang personalidad? O isa siyang sosyal na chikadora at marites?

Alden, ayaw pumatol

Habang nag-e-enjoy sa kanyang buhay sa ibang bansa ang influencer na si Xian Gaza kasabay ng pagdami ng kanyang followers at pagtaas ng engagement sa kanyang social media pages, naging abala naman ang malalapit kay Alden Richards sa pagtatanggol sa kanya.

Kaya trending si Xian Gaza dahil nga tuloy lang ang pagpo-post niya para continues ang engagement.

Kanya-kanyang testimonial ang mga kaibigan at nakakakilala sa actor.

Na para bang apektado si Alden.

Kabilang dito si Arnold Clavio na tatay ang tawag ng actor.

At ang mensahe niya sa actor: “Hindi sa nais kong sumawsaw sa kontrobersyang pinagdadaanan niya pero kalangan din naman na proteksyunan ko ang kanyang pribadong buhay. Narito ang mensahe na ipinadala ko kay Alden.

“Anak, I may not know exactly kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon, pero gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Alam ko na hindi laging madali ang buhay. May mga araw na mapapagod ka, panghihinaan ng loob, o mararamdaman mong parang hindi mo na alam kung saan ka pupunta. But please remember, anak, this difficult moment is only a part of your story. Hindi ito ang katapusan ng lahat.

“Take your time. Huminga ka muna, magpahinga, at bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong mag-heal. Hindi mo kailangang maging matatag palagi. It’s okay not to be okay. Okay lang umiyak, mapagod, at aminin na nahihirapan ka. Hindi mo kailangang magpanggap na ayos ang lahat kung sa loob mo ay may pinagdadaanan ka.

“Always remember that you matter, anak. Mahalaga ka, mahalaga ang nararam­daman mo, at hindi ka pabigat sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Huwag mong maliitin ang sarili mo dahil lamang sa mga pagsubok na kinakaharap mo ngayon.

“Maybe you cannot see the light right now, pero naniniwala ako na may mas magagandang araw pang darating. Hindi kailangang maayos ang lahat agad-agad. One day at a time, anak. Dahan-dahan lang. Huwag mong madaliin ang sarili mo. Give yourself the same kindness and understanding that you give to other people.

“Stay strong, anak, pero tandaan mo na hindi mo kailangang maging malakas sa lahat ng oras. Kapag mabigat na ang lahat, huwag kang mahiyang humingi ng tulong o makipag-usap sa taong pinagkakatiwalaan mo.”

Pero wala raw talagang planong pumatol si Alden ayon sa source. Na tama naman.

Dahil sabi nga at the end of the day, alam naman niya ang katotohanan at ‘wag pagamit kay Xian Gaza na wala naman siyang mailabas na resibo kung sino ‘yung mga tinutukoy niyang Chinese na ‘yan.

Saka kung hindi ka naman guilty, ba’t kailangang maging defensive.

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with