1.9M pasahero dadagsa sa PITX ngayong Undas

MANILA, Philippines — Posibleng umabot sa humigit-kumulang sa 1.9-milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa exodus para sa Undas 2026.
“We still anticipate around 1.9 million passengers from the week of October 25, next Sunday ‘yan, hanggang sa Araw ng mga Patay. So marami-rami pa rin ‘yan, kaya naman tuluy-tuloy ang ating paghahanda”, pahayag ni PITX spokesperson Jason Salvador.
Bukod aniya, sa kada taon ang naitatalang pagdami ng pasahero na kinakailangang magdagdag ng mga biyahe ng provincial buses, inaasahan din na mas tataas pa ang bilang ng mga pasahero dahil mas pinadali pa ngayon ang pagtungo sa PITX sa pamamagitan ng LRT-1 PITX Station.
Nabatid na nasa mahigit 111,000 miyembro ng Philippine National Police ang itinalaga para sa seguridad sa buong bansa para magbigay seguridad sa okasyon sa mga sementeryo at iba pang lugar na dinadagsa ng tao.
- Latest















