^

Police Metro

Sara: Balde, ‘di sapat sa paghahanda para sa Super El Niño

Mer Layson - Pang-masa
Sara: Balde, ‘di sapat sa paghahanda para sa Super El Niño
Malacañang earlier defended President Ferdinand Marcos Jr.'s advice for the public to buy "balde" or buckets in preparation for anticipated water shortages due to El Niño, saying the remark was part of the government's "serious" readiness efforts.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang pangangailangan ng mas komprehensibong paghahanda sa posibleng epekto ng “Super El Niño,” at sinabing hindi sapat ang simpleng pag-iipon ng tubig-ulan sa mga balde na iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay VP Sara, kailangan nang mas kumprehensibong preparasyon para sa inaasahang posibleng tagtuyot na maaari aniyang makaapekto sa mga magsasaka, mangingisda, agrikultura, at power supply ng bansa.

Ani VP Sara, tinawag ito ng mga eksperto bilang Super El Niño, na ang ibig sabihin ay magiging napakainit at posibleng matuyo ang mga lupa at ilog.

“Mao nang dili na siya madala og balde lang, dako siya nga problema.Kay ngano man? Ug mauga ang yuta, magkaproblema ang agrikultura kay madaot man atoang ani,” aniya pa, na ang ibig sabihin ay “Kaya hindi sapat na balde lang. Isa itong malaking problema. Bakit? Kapag natuyo ang lupa, magkakaroon ng problema sa agrikultura dahil masisira ang ating mga pananim.”

Dapat aniyang maging handa ang mga magsasaka upang malampasan ang tagtuyot, at magkaroon ng contingency plan para sa posibleng disrapsiyon ng suplay ng tubig sa mga irigasyon.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with