^

Police Metro

Barangay captain todas sa riding-in-tandem

Joy Cantos, Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 50-anyos na barangay captain sa Batangas nang barilin ng suspek sa loob ng kanyang bahay sa Sto. Tomas City, Batangas, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Dennis Austria, residente ng My Homes Subdivision, chairman ng Barangay Sta Anastacia.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:20 ng umaga habang nagwawalis ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang lapitan ng gunman at barilin ito.

Naisugod pa sa St Cabrini Hospital si Austria pero ideneklarang dead-on-arrival sa nasabing ospital.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at tumakas patungong Calamba Laguna.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with