^

Police Metro

5 testigo sa kaso ni Duterte, ihaharap ng ICC prosecution

Malou Escudero - Pang-masa

Bago matapos ang 2026

MANILA, Philippines — Limang saksi bago matapos ang taon sa gagawing trial ng kaso ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng prosecution team ng International Criminal Court (ICC).

Sa ikaapat na status conference ng ICC Trial Chamber III nitong Martes, pinakumpirma ni Presiding Judge Joanna Korner sa prosekusyon kung ilan ang mga saksi na inaasahang haharap nang personal bago magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30.

“They will all be present unless something unforeseen… They will be 1302,1100, 1400, 1263, and 0009… those are the five that we plan for this year,” ani ICC Senior Trial Lawyer Julian Nicholls.

Bilang proteksiyon sa kanilang pagkakakilanlan, tinutukoy ang mga saksi sa pamamagitan ng mga numerical code.

Inaasahang haharap sila sa ICC sa The Hague, Netherlands, at maaaring magbigay ng testimonya nang personal o sa pamamagitan ng mga pahayag, depende sa mga kaayusan ng korte.

Inihayag din ni Nicholls na may ilang saksi nang inalis sa listahan ng prosekusyon dahil sa iba’t ibang dahilan.

Dumalo si Duterte sa ikaapat na status conference nitong Martes, Oktubre 13, nang tanggihan ng ICC Trial Chamber III ang kahilingan ng depensa na muling ihain ng prosekusyon ang mga ebidensiya nito sa isang bagong case file sa Judicial Workflow Platform (JWP), ang digital system ng korte para sa pamamahala ng mga rekord at ebidensiya ng mga kaso.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with