^

Punto Mo

Sumunod sa utos ng korte

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap ako ng notice mula sa court. Tungkol daw ito sa utang na kailangang kong bayaran. Pinagpapa-file ako ng sagot sa paratang sa akin pero wala akong abogado. Paano kung hindi ako makasagot? Matatalo ba ako sa kaso?—Pete

Dear Pete,

Nararapat sumunod sa mga ipinag-uutos ng korte katulad ng ipinadala sa iyo lalo na’t nakatanggap ka naman ng notice. Maraming mangyayari kung hindi susunod sa utos, kabilang na ang pagkakadeklara ng partidong hindi sumunod sa utos bilang in default. Kung ideklara ng korte na ikaw ay in default ay magpapatuloy ang pag-usad ng kaso ng walang partisipasyon mo at hindi ka na maaring magpresenta ng ebidensya upang patunayan ang mga depensa mo.

Kaya kailangang sumunod ka sa ipinag-uutos ng korte kahit pa sabihin mong wala namang basehan ang mga paratang sa iyo. Kung nasa small claims court ang isinampang kaso sa iyo ay hindi mo kakailanganin ng abogado dahil bawal naman talaga ang abogado sa mga small claims na kaso.

Kung nasa regular court naman ang kaso, ipaliwanag mo na lang sa korte na naghahanap ka pa lang ng abogado at sana ay mabigyan ka ng palugit para sa deadline ng pagsusumite ng kung anumang isasagot mo. Mas mabuti nang makiusap ka sa korte kaysa hindi pansinin ang kanilang ipinag-uutos lalo na’t pinagbibigyan naman ng korte ang mga ganyang hiling na bunsod naman ng rasonableng dahilan katulad ng kawalan ng abogado.

COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with