Meralco, pinagre-refund ng P2.64 bilyon sa mga kostumer
MANILA, Philippines — Inutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) na mag-refund ng P2.64 bilyon sa mga kostumer nito.
Lumabas sa pagsusuri ng ERC na mas mataas ang siningil na distribution charge ng Meralco (P1.5537/kWh) kumpara sa naaprubahang rate na P1.3522/kWh mula Enero hanggang Hunyo 2026.
Ipapatupad sa loob ng 6 na buwan (mas maikli kaysa sa 12 buwang mungkahi ng Meralco para mas mabilis ang tulong sa mga konsyumer).
Aabot sa P0.1020 kada kilowatt-hour (kWh) ang average na bawas sa mga singil at alabas ito bilang hiwalay na line item na may label na “AWAT (Refund)/Collect”.
Nabatid na ang Residential at General Service A customers,kasama ang flat streetlight accounts, ang makakatanggap nang pinakamataas na refund rates, na nangangahulugan ng pinakamalaking bawas sa kanilang buwanang bills.
Ayon naman kay ERC Chairperson at CEO Atty. Francis Saturnino Juan, ang true-up ay isang safeguard upang matiyak na ang ibinabayad ng consumers ay patas.
- Latest




















