Home studio nilooban, P1.9 milyong gamit tangay

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 38-anyos na construction worker sa pagnanakaw ng P1.9-milyong halaga ng photographic at audiovisual equipment sa isang home studio sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City, sa ulat nitong Sabado.
Sa ulat ng Mandaluyong City Police Station, ang suspek na si alyas “Winren”, residente ng lungsod, na ang suspek ang natukoy na dumaan sa nakabukas na bintana ng storage room ng home studio, alas-12:00 ng tanghali ng Oktubre 8, na tumangay sa kagamitan na pag-aari ng 51-anyos na photographer, sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City.
Sa operasyon, nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Mandaluyong CPS Intelligence Unit, Warrant and Follow-Up Section, Police Sub-Station 7, at Criminal Investigation Unit (CIU), ng Eastern Police District. Nabawi rito ang ilang ninakaw na gamit, kabilang ang tatlong Profoto B10x Plus units, isang Hasselblad 503CX camera, isang Profoto Connect Plus, tatlong Profoto extra batteries, isang Hollyland Venus Liv Air, Hollyland Pyro Transmitter units, isang Accsoon Transmitter, isang Bose speaker, at isang digital camera back.
- Latest
















