Sarah, jackpot daw sa bagong jowa

Swiss-German-Filipino pala ang bagong karelasyon ni Sarah Lahbati, si Mikhail Schemm, ayon sa aming source.
Swiss-Filipino rin si Sarah.
Rich pero hindi raw ultra rich ayon pa sa aming source. Tho pogi at sosyal daw talaga.
Sa Rome raw ito lumaki kaya fluent magsalita ng Italian ayon pa sa aming source.
Nagkaroon nga ng hard launch si Sarah sa kanyang bagong jowa nung kanyang 33rd birthday.
Ni-repost pa ni Sarah ang birthday greeting mula kay Mikhail na ang Instagram account na ang username ay “Schmikmikmik” kahapon.
“Happy birthday to this wonder woman,” sabi sa nasabing birthday greeting na may kasamang balloon at cake emojis.
Ang nasabing account ay naka-link sa isang concert executive na may opisina sa Manila at Hong Kong.
Non-issue naman talaga kung may bagong karelasyon si Sarah dahil maligaya na si Richard Gutierrez sa kanyang kasalukuyang karelasyon na si Barbie Imperial.
- Latest























