^

Pang Movies

Fans nina Marvin at Jolina, hindi nang-iwan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Fans nina Marvin at Jolina, hindi nang-iwan
Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
STAR/ File

Hindi maitago nina Marvin Agustin at Jolina Magda­ngal ang labis na pagkatuwa sa magandang feedback na natanggap nila matapos ang special screening ng first two episodes ng bago nilang serye na Mommy Guard sa TV5 na ginanap last Friday sa Vibe Studio ng Kapatid network sa Mandaluyong.

Paano ba naman, nakakabingi talaga ang sigawan ng MarJo fans sa tuwing ipinapakita ang mga eksena ng dalawa, isang patunay na mahal na mahal pa rin talaga ng mga tao ang kanilang tambalan kahit ilang dekada na ang nakaraan.

“Nakakatuwa,” sey ni Marvin nang makausap namin after the screening. “Masaya kasi nu’ng ginawa namin ‘yung Ex Ex Lovers (comeback film nila ni Jolens na ipinalabas last year), light siya pero mature at drama ‘yung setup, eh. Ito (Mommy Guard), comedy talaga. This is something na comfort zone namin ni Jolina.”

Noon pa ay wish nga raw nila ni Jolens na makagawa muli ng proyekto na tulad ng ginagawa nila before kaya thankful sila sa TV5 na tinupad ang kanilang wish.

“Finally, it’s happening. And napanood na namin ‘yung two episodes. Tuwang-tuwa kami. Pati nga sa sarili namin, kinikilig kami,” sey ni Marvin.

Aniya pa, “nakakatuwa na nasa TV ulit ako.”

Nang matanong naman ang dalawa kung ano ba sa tingin nila ang magic ng kanilang tandem na hanggang ngayon ay nakikipagsabayan pa talaga sa young loveteams, sey ni Jolens, “hindi ko alam, ayoko ring malaman kung ano ba ‘yung magic na ‘yun, kasi baka ‘pag malaman ko, eh mawala na siya.”

Sabi naman ni Marvin, “parang alam ko ‘yung magic. Kasi, minsan, ‘pag nag-eeksena kami ni Jolina, tapos titingnan niya ako, parang yummy na yummy siya sa akin. Alam mo ‘yun? Naa-absorb ko tuloy.”

Sigawan naman ang fans na naroroon.

Samantala, mapapanood na ang Mommy Guard simula sa Oct. 19 and will air Monday to Friday, 2:30 p.m. sa TV5, Kapamilya Channel, A2Z and ABS-CBN digital/online platforms (including Cignal Play and Kapamilya Stream).

Aside from Marvin and Jolina, kasama rin sa cast sina Cedrick Juan, Dominic Ochoa, Roxanne Guinoo, Susan Africa at marami pang iba, mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.

Pokwang, binalikan ang pagkamatay ng kapatid sa purga

Naging emosyonal si Pokwang matapos ang special screening ng pelikulang 2 Valid IDs kamakailan.

Sa talkback section ay inalala ng aktres ang mga hirap na kanyang pinagdaanan noong panahong hindi pa siya artista.

Tulad ng kanyang karakter sa movie na si Sylvia, naranasan din niya ang maging biktima ng kahirapan at maling sistema sa ating bansa.

“Kasi, bilang ordinaryong mamamayan, nang panahon na Marietta Subong (her real name), bago ako nag-OFW, ang dami kong pinagdaaanan na pila dito, pila diyan, para magka-passport lang, para sa ganito.

“Tapos, nang magkasaki ang anak ko ng brain tumor, another pila na naman, hingi ng tulong sa gobyerno, pila na naman. Hanggang sa alam mo naman, ‘di ba, nakamatayan na ng anak ko, hindi namin nakuha ‘yung tulong,” dagdag niya.

Ginunita nga rin ni Pokwang nang panahong namatay rin ang kapatid niya dahil lang sa maling paraan ng pagpurga.

“Mali ‘yung way ng parpurga, so, nabulabog ‘yung mga alaga. So, kung saan-saan lumabas. So, binutasan ‘yung kapatid ko dito (sa leeg).

“Hanggang wala kaming pambayad, hino-hold ‘yung bangkay,” paggunita ni Pokwang na tuluyan nang napaiyak.

“Umabot sa nakipagbuno na si nanay do’n sa mga tao sa ospital,” dagdag niya.

Kaya naman sobrang naka-relate ang aktres sa karakter niya sa 2 Valid IDs na isang mahirap na magsasaka sa probinsiya na nagpunta ng Maynila para ipagamot ang kanyang asawa (played by Joey Marquez) na may chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

Ang nasabing pelikula ay naging official entry sa 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival kung saan ay itinanghal na Best Actres si Pokwang dahil sa husay ng kanyang pagganap.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang 2 Valid IDs simula sa Oct. 14, 2026. Mula sa direksyon ni Ma-an Asuncion-Dagñalan at panulat naman ni Abet Pagdagdagan Raz, kasama rin sa movie sina Meryll Soriano, Joem Bascon and Zaijian Jaranilla.

JOLINA MAGDA­NGAL

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with