^

Metro

Malabon City, napanatili ang ISO certification sa Quality Management System

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Certification matapos makapagtala ng zero nonconformities o walang natukoy na paglabag sa mga pamantayan sa surveillance audit ng TÜV Rheinland Philippines noong Oktubre 6 hanggang 8, 2026.

Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, patunay ang resulta ng pagtutulungan ng mga departamento at kawani upang matiyak ang maayos, episyente at maaasahang serbisyo publiko.

Binigyang-diin din ni City Administrator Dr. Alexander Rosete ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa mga pamantayan at pagpapahusay ng mga proseso sa lahat ng tanggapan.

Saklaw ng tatlong araw na audit ang 45 departamento, tanggapan at yunit sa anim na pasilidad ng lungsod, kabilang ang City Hall, Anti-Drug Abuse Office, Polytechnic Institute, City University, City Library at Ospital ng Malabon.

Kinumpirma ng audit team ang pagpapanatili ng sertipikasyon at nagbigay ng mga rekomendasyon para higit pang mapahusay ang sistema ng pamamahala sa kalidad.Pinangunahan ng Quality Management Office sa ilalim ni Jeffrey Benesisto ang koordinas­yon at pagpapatupad ng QMS. Unang nakamit ng Malabon City ang ISO 9001:2015 Certification noong Setyembre 2025 bilang bahagi ng pagsisikap nitong tiyakin ang pare-pareho at dekalidad na serbisyo sa mga residente.

QMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with