2 lalaki sa U.S., inaresto matapos magmaneho ng sofa sa kalsada!
NAPAHINTO ang mga pulis sa North Carolina, U.S.A. nang makita ang dalawang lalaki na bumibiyahe sa isang pampublikong kalsada gamit ang isang sofa na nakapatong sa dalawang electric scooter!
Ayon sa Charlotte-Mecklenburg Police Department, kakaibang eksena ang kanilang nadatnan sa S. Tryon Street nang makita nilang umaandar ang isang sofa na ginawang improvised vehicle.
Sa larawang ibinahagi ng pulisya, makikitang nakapatong ang sofa sa dalawang electric scooter, na nagsisilbing gulong at makina nito.
Bagama’t kinilala ng mga awtoridad ang pagiging? malikhain ng dalawa, pinaalalahanan nila ang publiko na unahin pa rin ang kaligtasan bago subukan ang mga ganitong uri ng sasakyan.
Ayon sa pulisya, dapat isipin muna kung ang isang bagay ay talagang ligtas gamitin sa kalsadang dinaraanan ng mga normal na sasakyan. Maaari rin umanong makagulat ang kakaibang sasakyan sa ibang motorista at maging dahilan upang mawala ang kanilang focus habang nagmamaneho.
Biro pa ng mga awtoridad, kung may posibilidad na makasagabal o makadulot ng panganib sa trapiko ang isang kakaibang sasakyan, mas mabuting pag-isipan na lamang muli bago ito ilabas sa kalsada.
Hindi malinaw kung tiniketan o pinagmulta ang dalawang lalaki dahil sa kanilang kakaibang sasakyan.
- Latest















