^

Police Metro

Death toll sa sumabog na bomba, 4 na

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umakyat na sa apat katao na kinabibilangan ng tatlong bata at isang lola ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan sa  pagsabog ng isang hindi pa natutukoy na klase ng bomba sa Purok Raniag, Barangay Sinamar, Roxas, Isabela nitong Linggo ng umaga.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina John Mark M. Peralta, 8-anyos, Grade 3; John Yohan J. Binuyat, 8; Emmanuel C. Disamito,10; at alyas Lola Rosa, 85, na kapwa mga residente sa lugar.

Batay sa inisyal na ulat, alas-9:00 ng umaga ay isang babae umano ang nakakita sa mga biktima na naglalakad sa kalsada at may pinulot umanong isang metal na bagay na at ipinukpok sa bato ng isa sa mga biktima na naging sanhi para ito ay sumabog.

Nasawi ang tatlong menor-de-edad kabilang ang 85-anyos na lola na noon ay napadaan lamang sa lugar para pumunta sana umano sa simbahan.

Apat pang menor-de- edad ang agad naman na isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng sugat dahil sa pagsabog.

Patuloy ang masusing imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya para matukoy kung anong uri ng bomba ang sumabog at kung paano napunta sa lugar.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with