KZ, hindi pa rin handang maging nanay!

Kabilang sina KZ Tandingan at TJ Monterde sa pinakapinupusuan na mag-asawa sa OPM. Mula stage chemistry hanggang buhay mag-asawa, marami ang kinikilig sa kanila — kaya marami rin ang nag-aabang kung kailan sila magkakaanak.
Inamin ni KZ na matagal nang gustong maging ama ni TJ. Pero siya pa ang hindi handa. “Personally, sa aming dalawa kasi ni TJ, mas siya talaga ‘yong ready na maging daddy. Ever since naman, siya talaga ‘yong nag-o-open up na ready na siya maging tatay
“May mga gusto pa akong gawing bagay sa career ko. May gusto pa akong mga i-build sa sarili ko, as a person, as a woman. I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby.
“I owe that to my child... you will never be ready sa pagiging magulang. But I also think it’s your responsibility to at least try to be ready.”
Para kay KZ, hindi lang pinansyal ang paghahanda — lifetime responsibility ito. Kaya dapat ginusto, hindi dahil sa pressure o para may mag-alaga pagtanda.
“We had this really long and hard conversation about that. Sabi ko talaga, I was honest sa kanya. Sinabi ko talaga na, ‘Ngayon I’m not yet ready. May mga gusto pa akong gawin, and I don’t wanna be unfair to you. I don’t wanna be unfair to our future children.’ ‘Pag naging nanay ako, gusto ko, focused ako sa anak ko,” paliwanag niya.
Aminado si KZ na mahirap ang desisyon, pero dasal niya ay pagpalain siya ng pusong maging ina sa tamang panahon.
Nirerespeto naman ito ni TJ: “I always believe sa mag-asawa, it’s a mutual decision. Hindi siya puwedeng desisyon ko lang... So, ‘pag sinabi niyang hindi pa muna siya ready, then so be it.
“I also believe that a couple is a family... kaming dalawa, sapat na sa akin ‘yon. So, kung magkaka-baby kami in the future, then that’s a blessing. But kung kaming dalawa lang, then I’m very, very much happy with my life right now with my wife.”
Ibinahagi rin ni TJ na kung bibiyayaan sila, gusto niya ng baby girl — inspirasyon ng kinanta niyang Aurora sa isa niyang concert.
- Latest




















