Glaiza, ibinenta na ang property sa Baler!

Nagpapaalam na si Glaiza de Castro sa isang property na naging malaking bahagi ng buhay ng kanyang pamilya. Ipinaalam ng aktres na ibinebenta na niya ang kanyang holiday home sa Baler, Aurora, matapos ang ilang taon na naging lugar ito ng mga family gathering, selebrasyon at masasayang alaala.
Ayon kay Glaiza, nabili niya ang property noong 2018 bilang simpleng bakasyunan ng pamilya. Ang dating simpleng pahingahan ay naging lugar ng mga kaarawan, selebrasyon, long weekends at tahimik na family bonding.
Mas naging espesyal din ang lugar na ito para kay Glaiza noong pandemya, nang mas madalas silang mamalagi sa Baler kasama ang kanyang pamilya.
Binuksan din noon ni Glaiza ang Baler home sa Airbnb. Pero nakapagdesisyon na raw sila na ibenta na ito.
“Now, life is changing again. Our priorities have shifted and new plans for the future are taking shape. So, with a little bit of sadness– but also with a lot of gratitude – we are offering our beloved holiday home in Baler, Aurora for sale.”
Naalala pa namin ang saya at excitement niya noong makabili siya ng vacation house sa Baler. Naging sport niya noon ang surfing at malapit lang sa beach ang nabili niyang bahay.
Buntis na ngayon si Glaiza at naka-base na ngayon sa Ireland kasama ang Irish husband na si David Rainey.
Donna at Doc Yong, 28 years na!
Nag-celebrate ng kanilang 28th wedding anniversary noong nakaraang Sept. 19 ang mag-asawang Donna Cruz at Dr. Potenciano “Yong” Larrazabal III.
Sa kanyang post, nag-post si Dr. Yong ng throwback photo mula sa kanilang kasal at isinulat sa caption na marami silang pinagdaanang highs and lows sa loob ng 28 years.
“I promise to remain your best friend, your partner in every dream and adventure, and the best father I can be to our children. Life hasn’t always been easy, but through every challenge, we’ve continued to hold on to each other’s hands. For that, I am truly grateful and blessed. I thank God for giving me a wife who is beautiful, kind, and filled with so much love – not only for me, but also for our children, our family, and our friends.
“Thank you, my love, for being exactly who you are. I love you more than words can say. Happy anniversary, honey!”
Nag-post naman si Donna ng naging lunch date nila ni Dr. Yong para ma-celebrate ang kanilang anniversary.
Para sa singer-actress, isang “adventure” ang pagsasama nila na pinatibay ni Lord. “Through the joys and challenges, the highs and lows, God has remained faithful. Our marriage is a testimony of His grace, love, and faithfulness. My life is a testimony of His transforming grace.
“Hny, I’m grateful for you, for our children, for our family God has entrusted to us, and for all our adventures together. I love you. When we said our vows, we made a covenant before God to love and walk together for a lifetime. By His grace, we continue to honor that covenant, hand in hand, trusting Him with our journey.
“Thank You, Jesus, for the gift of our marriage, for every blessing and lesson, and for faithfully carrying us through it all. Please continue to strengthen our marriage and lead us according to Your will. Love You, Lord.”
Nasa height ng kanyang showbiz career niya si Donna noong makilala niya si Dr. Yong sa isang blind date. Noong mag-propose si Yong, hindi nagdalawang-isip si Donna na magpakasal at iwan ang kanyang showbiz career para sa isang tahimik at normal na buhay. She was just 21 years old.
Nagkaroon sila ng tatlong anak: Isabella Adrianna (26), Potenciano IV (22), and Iñigo Renato (18).
- Latest























