Trike binundol ng jeep: 2 dedbol, 2 sugatan
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang suwagin ng isang modern public utility vehicle ang kasalubong nitong tricycle sa provincial road ng Brgy. Palsahingin, San Pascual, Batangas nitong Sabado ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay ang 54-anyos na lalaki na pasahero ng tricycle habang ang driver ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa kapwa nagtamo ng matinding sugat sa katawan.
Ang dalawang nasugatan kabilang ang isang estudyante ay isinugod sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital para malapatan ng pangunahing lunas.
Sa ulat ng pulisya, alas-12:20 ng tanghali habang bumabagtas ang tricycle sa kahabaan ng provincial road ng nasabing lugar nang ito ay pansamantalang huminto nang may pumarang pasahero.
Nang bigla silang binundol ng pampasaherong jeep na pag-aari ng FCM Transport bunsod upang humagis sa kalsada ang mga pasahero.
Nasa kustodya ng pulisya ang PUV driver na kinasuhan ng kriminal.
- Latest



















