Chloe San Jose, parang may medalya na rin

Ang bongga ng model-influencer na si Chloe San Jose, ang karelasyon ni Carlos Yulo, na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa 2026 Asian Games, kasunod ng kanyang tagumpay na dalawang ginto rin sa 2024 Paris Olympics.
Matapos ngang makakuha ng unang ginto ng Pilipinas sa floor exercise, nangibabaw si Yulo sa vault na may average score na 14.599 puntos sa Nagoya City General Gymnasium (Rainbow Hall).
At sa isang interview ni Chloe sinabi niyang hindi raw alam ng karamihan ang kanilang pinagdaraanan bago ang laban ng karelasyon.
Kasunod ng pagkapanalo ni Yulo, nagbalik-tanaw si Chloe sa pagdarasal nila bago pa man sumabak sa kumpetisyon ang karelasyong Filipino gymnastics star.
Sa kabila ng pagiging madaldal, inamin niyang halos mawalan siya ng masabi dahil sa tindi ng emosyon nang manalo ang jowa. “Wala, wala akong maisip na iba. Napakadaldal kong tao. Pero ‘yun nga, lagi lang itong mga himala ng Diyos,” pagbabahagi niya.
“Alam kong maraming tao ang hindi naniniwala o nagdududa sa sinasabi ko, pero kami talaga ang nakakaranas nito—ng lahat ng bagay. Kami, si Caloy at ako—ang mga taong may direktang karanasan dito,” sabi niya in English.
- Latest





















