Sara-Robin tandem, ungos sa Leni-Bam sa 2028 - survey

MANILA, Philippines — Nangunguna ang hypothetical tandem nina Vice President Sara Duterte at Senator Robin Padilla laban kina Naga City Mayor Leni Robredo at Senator Bam Aquino para sa 2028 Presidential at Vice Presidential elections.
Ayon sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research, mas maliit na ang lamang kumpara sa mga naunang survey.
Ayon sa survey, nakakuha ang Duterte–Padilla team ng 48% kumpara sa Robredo-Aquino tandem na 36%, lamang ng 12 points, habang 16% ang undecided.
Ayon sa survey, ito na ang pinakamaliit na lamang na naitala sa pagitan ng dalawang tandem hanggang sa kasalukuyan.
Ginawa ang survey noong Hulyo 4 hanggang 11, 2026, gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 male at female probability respondents na may edad 18-anyos pataas na may margin of error ng ±3% at a 95% confidence level nationally ang survey.
- Latest

















