Adamson iiwas madungisan ng Ateneo
MANILA, Philippines — Nais ng Adamson University na manatiling malinis ang kanilang karta kaya nasa kukote nila na dagitin ang mabalasik na Ateneo de Manila University ngayong araw sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena.
Magsisimula ang tukaan ng Soaring Falcons at Blue Eagles sa alas-12 ng tanghali, sunod ang banatan sa pagitan ng University of the East at Far Eastern University sa alas-2:30 ng hapon habang sa alas-6 ng gabi ang gitgitan ng University of the Philippines at National University.
Galing ang Falcons sa isang mahabang pahinga matapos buksan ang season sa pamamagitan ng mahirap na 56-53 panalo laban sa Tamaraws noong Setyembre 13.
Maganda ang ipinakitang laro ng San Marcelino-based squad sa huling bahagi ng preseason pero para kay Adamson head coach Nash Racela na ibang usapan na pagdating sa UAAP.
Iba-ibang reaksyon ang natanggap ng Blue Eagles matapos ang dalawang laro sa ilalim ng interim coach na si Louie Alas.
Kasunod ng isang dominanteng 101-74 na panalo laban sa UE, hindi umubra ang Ateneo dahil nakatapat nila ang isang malakas na koponan at natalo sila rito noong nakaraang Linggo.
- Latest





















