Nakaparadang pampasaherong bus, nagliyab
MANILA, Philippines — Isang pampasaherong bus ang natupok ng apoy habang nakaparada sa Roxas Grand Terminal sa Barangay Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog, alas-8:00 ng umaga habang nakaparada ang bus sa loob ng terminal premises.
Agad namang rumesponde sa lugar ang dalawang fire truck mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang maapula ang apoy at nagdeklara ng fire out, alas-8:30 ng umaga.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Querube Peradilla, officer-in-charge ng Roxas Bureau of Fire Protection (BFP) na kararating lang mula sa Maynila ang Gold Star Bus, na pinamamahalaan ng Ceres Transport nang maganap ang sunog.
- Latest




















