^

Police Metro

Humawak sa road project ipakita ang records – Solon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Dapat ipakita ng kumpletong records ng Mahayhay-Tuburan Road project kung sino ang aktuwal na lumahok sa pagpili ng contractor, pagpapatupad ng proyekto, pag-certify ng accomplishment at pagproseso ng bayad”.

Ito ang tugon ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas na kasunod ng press briefing ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes kaugnay ng preliminary investigation laban sa kanya at sa anak niyang si dating congressman Francisco “Bingo” Matugas II at naghain na rin ng counter-affidavit sa imbestigasyon.

Batay sa mga dokumentong binanggit sa usapin, Boometrix Development Corporation ang contractor ng proyekto habang sina Ronald Abejo at asawang si Princess Abejo ang principal shareholders nito.

Kamag-anak ng pamilya Matugas si Abejo, ngunit sinabi ni Matugas na hindi nangangahulugang sangkot sila sa proyekto. Ayon kay Matugas, dapat tukuyin sa mga dokumento kung sino ang lumagda sa kontrata, nangasiwa sa proyekto, nag-certify ng accomplishment at nag-awtorisa ng mga bayad kung may naging iregularidad sa pagpapatupad nito.

Sinabi ni Matugas na iginagalang nila ang proseso ng Ombudsman at handang isumite ang mga kinakailangang dokumento at dapat ibatay sa records at ebidensya ang pagtukoy sa taong responsable sa bawat kinukuwestiyong aksyon.

ACCOMPLISHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with