^

Police Metro

P75 milyong donasyon kay Marcoleta, ‘campaign funds’

Doris Franche-Borja - Pang-masa
P75 milyong donasyon kay Marcoleta, ‘campaign funds’
Sen. Rodante Marcoleta arrives at the Sandiganbayan for his arraignment in relation to plunder and violation of Presidential Decree No. 46 on July 22, 2026.
The Philippine STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi personal na pera kundi donasyon ang P75 milyong ibinigay ng tatlong negos­yante kay Sen. Rodante Marcoleta para sa kanyang kampanya sa pagka-senador noong 2025.

Ito ay batay sa mga notarized deed of donation na nagbigay si Mike Defensor ng P30 milyon, Joseph Espiritu ng P25 milyon at Aristotle Viray ng P20 milyon.

Nakasaad sa mga dokumento na nilagdaan noong Enero 6, 8 at 9, 2025, na ang mga donasyon ay ibinigay bilang suporta sa kandidatura ni Marcoleta sa May 12, 2025 elections.

Sa sinumpaang salaysay ni Marcoleta, sinabi nitong ang P20 milyon na ibinigay ni Viray ay bahagi ng pangako nito para sa kanyang senatorial candidacy.

Gayunman, sinabi ni Marcoleta sa Co­melec na personal niyang pera ang mga donasyon kaya hindi niya isinama ang mga ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Sa pagdinig noong Sept. 3, sinabi ni Comelec Political Finance and Affairs Department witness Atty. Victoria Kadeja Besinio na campaign contributions ang itinu­ring nilang mga donasyon.

Ito ang naging batayan ng rekomendasyon na kasuhan ng election offense sina Defensor, Espiritu at Viray dahil sa hindi pag-uulat ng kanilang mga kontribusyon.

Sa pagdinig naman noong Sept. 14, sinabi ni Office of the Ombudsman Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson na private funds ang pinagmulan ng mga donasyon.

Inamin din niyang wala siya nang pirmahan ang mga deed of donation at wala rin umano siyang impormasyon na nagkita o nag-usap ang tatlong donor; ang nakita lamang sa imbestigasyon ay na-notaryo at na-subs­cribe ang kanilang mga dokumento sa parehong petsa at lugar.

FUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with