Babaing bulag nakakita! (Part 1)
HINDI MALILIMUTAN ni Dafne Gutierrez, 30, ang pangyayari habang nakatayo sa harap ng pari sa loob ng St. Joseph Maronite Catholic Church sa Phoenix, USA. Nasa simbahan ang relics ni St. Charbel Makhlouf ng panahong iyon. Isa ang simbahan sa 36 Maronite parishes sa US.
Naroon si Dafne at pamilya para makatanggap ng bendisyon at blessing sa pari. Si Dafne ay isang bulag.
Ayon kay Dafne, naramdaman niyang may taong nakatayo sa kanyang kanan. Ganunman sinabi ng pamilya ni Dafne na ang pari na nagbebendisyon ay nasa gawing kaliwa.
“May tao sa gawing kanan ko na humipo sa akin,” sabi ni Dafne sa kanyang sister-in-law.
Subalit sinabi ng kanyang hipag na walang tao sa gawing kanan ni Dafne.
“Meron,” giit ni Dafne.
Nang mga sumunod na araw, nagtaka ang mister ni Dafne sa mga nakikitang pagbabago sa asawa.
“Parang may kakaiba akong nakikita sa iyo,’’ sabi ng asawa. “Ano ang nangyayari sa iyo?”
“Nararamdaman ko na parang nasusunog ang mga mata ko,” sabi ni Dafne.
“Anong nasusunog? ‘Yun ba ‘yung naamoy ko sa kuwarto na parang nasusunog na karne?”
“Oo.”
Gulat na gulat ang asawa.
“Anong nangyari?”
“Iminulat ko ang aking mga mata. At nakakita ako ng shadow. At ngayon, nakikita na kita!” (Itutuloy)
- Latest




















