^

PM Sports

Sharapova hanga kay Eala

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanga si dating Grand Slam champion Maria Sharapova sa husay at galing ni Pinay tennis star Alex Eala na patuloy na gumagawa ng ingay sa tennis world.

 Napanood na ni Sha­rapova ang ilan sa mga laro ni Eala sa season na ito.

Dahil dito, isa si Sha­rapova sa mga nakaabang sa magiging future ni Eala sa WTA Tour.

Nang tanungin ito sa kung sino sa mga batang players ang binabantayan nito, isa si Eala sa mga nabanggit ni Sharapova.

Kasama ni Eala sa nabanggit si dating US Open champion Coco Gauff ng Amerika.

“I’m always rooting for Coco Gauff, Alex Eala, who’s had an incredible summer and I’m so excited about her future. Those two have come to mind,” ani Sharapova sa panayam ng Popsugar.

Isa si Sharapova sa mga hinahangaan ni Eala sa  mundo ng tennis.

Sa katunayan, may picture pa ang Pinay netter kasama si Sharapova noong bata pa ito.

Kamakailan lamang ay napansin ni Sharapova si Eala nang talunin nito si 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland sa kanilang laban noong Hulyo sa London.

Nagkomento pa si Sharapova ng ‘star’ sa lara­wan ni Eala na nakapost sa social media account ng Wimbledon.

Kaliwa’t kanan ang pana­wagan ng mga netizens na magkaroon ng podcast sina Eala at Sharapova.

Mismong si Sharapova ay interesadong makasama si Eala upang mas lalo pang lumalim ang kaalaman nito sa Pinay player.

Matapos ang kanyang kampanya sa US Open, sunud-sunod ang events ni Eala sa New York kabilang na ang pagdalo nito sa New York Fashion Week.

Matapos nito, paghahandaan na ni Eala ang pagsabak nito sa Singapore Open at sa Asian Games sa Nagoya, Japan.

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with