Tandem nasabat sa checkpoint, arestado sa baril at shabu

CAVITE, Philippines — Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng dalawang lalaki matapos mahulihan ng hindi lisensyado baril at shabu sa police checkpoint kahapon ng madaling araw sa Barangay Tulay- B Maragondon Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ed” at “Josh,” kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report, alas-3:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang Maragondon Police sa Maragondon-Magallanes Road nang kanilang parahin ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Habang sila ay sinisiyasat, bigla na lamang umanong may inihagis sa madamong bahagi ang backrider, Nang suriin ito ng mga pulis ay tumambad ang isang maiksing baril na kargado ng mga bala na walang kaukulang permit o lisensya.
Hiningan din ng lisenya ng driver at dokumento ng motorsiklo subalit biglang nalaglag mula sa nakaipit sa OR/CR ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman umano ng shabu.
Narekober sa mga suspek ang isang caliber 38 revolver na walang serial number at kardado ng 2-bala at isang transparent plastic sachet ng shabu at Honda Click motorcycle.
- Latest






















