No panukli, no problem… GSukli, Inilunsad Ng GCash

MANILA, Philippines — Inilunsad ng GCash ang GSukli, isang feature na nagbibigay-daan sa mga customer na matanggap ang sukli nang direkta sa kanilang GCash wallet—ng libre. Sa halip na magdala ng barya, maaari na itong gamitin bilang digital money para pambayad ng bills, pambili ng load, pagpapadala ng pera, at online shopping.
Available na ngayon ang GSukli sa lahat ng sangay ng Bench sa buong bansa, at inaasahang susunod na ring mag-aalok ng serbisyo ang iba pang mga brand ng Suyen Corporation.
“Malaki ang maitulong ng maliliit na halaga kapag madali itong nagagamit. Ipinakikita ng bagong feature na ito ang commitment ng GCash na gawing mas praktikal ang mga serbisyong pinansiyal,” ani Barbie Dapul, GXchange, Inc. Chief Operating Officer and General Manager for Consumer Business. Sa partnership ng Gcash at Bench, mas madali nang gawing digital money ang sukli. “Nakatuon ang Bench para padaliin ang experience ng bawat customer. Sa partnership namin sa GCash, nagbibigay ang GSukli ng praktikal na paraan para magamit ang sukli at mapabilis ang checkout experience,” pahayag ni Bryan C. Lim, Vice President for Business Development ng Bench. Para magamit ang GSukli kapag cash ang bayad, ibigay sa cashier ang GCash mobile number. Para sa sukling hanggang PHP 199.99, direktang mapupunta ang halaga sa GCash wallet at makakatanggap ng SMS confirmation. #GCash #GSukli #FinancialLiteracy #Barya #NoPanukliNoProblem
- Latest















