^

Pang Movies

Yeng na-guilty, nag-sorry kay Ryan!

Dianne Canlas - Pang-masa
Yeng na-guilty, nag-sorry kay Ryan!
Yeng Constantino

MANILA, Philippines — Ipinakilala sina Yeng Constantino at Gloc-9 bilang dalawang bagong The Voice Kids coaches, kasama si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, sa naganap na mediacon noong Sept. 4.

Katatapos lamang ng concert ni Yeng na Biyaheng Bente sa Araneta Coliseum kung saan nag-viral ang panghaharana niya kay Ryan Bang. Doon din niya nilantad ang ‘nakaraan’ nila kung saan tila naging TOTGA o The One That Got Away nila ang isa’t isa.

Pagkatapos noon, nag-trending naman ang pagiging emosyonal ni Ryan sa It’s Showtime kung saan napag-usapan nila sa programa ang nangyari sa kanila ni Yeng noon at napatanong siya kung makakahanap pa ba siya ng gaya ni Yeng.

Sa naganap na mediacon, nagpaliwanag ang Hawak Kamay singer at sinabing nagsisisi siya sa ginawang pag-ungkat sa ‘sugat’ nila ni Ryan. “Ginawa ko po ‘yon ‘yung parang inaano ko lang siya, playful ba. I was being playful at nag-tralalalala in life. Hindi ko nga rin po alam ang naging resulta ng aking aksyon at nag-cause nga ng mga ungkat ang mga sugat. I’m really regretful din in a way. Syempre makita mo ‘yung tao na may mga naalala siya na masakit sa kanya.

“Parang playful ako masyado na hindi ako nakapag-isip nang maayos to consider his feelings. Nag-message na po kaming dalawa. Talagang grabe ang sorry ko sa kanya. Ang haba po ng mga nobelang messages namin ni Ryan. ‘Patawarin mo ako.’ ‘Sorry talaga, hindi ko alam na ganito…’ And he was really vulnerable. ‘Yung side ng story niya, it’s his story to tell. But my side of story, I really apologized for triggering some memories or moments in life namin na I wasn’t very mindful also,” pahayag ng Pop Rock Royalty.

Nagkaroon naman daw ng magandang resulta ang nangyari sa concert dahil tila nagkaroon sila ng ‘closure’ at naging bukas sa mga bagay na hindi nila napag-usapan noon.

“Ang maganda naman dun sa nangyari sa amin we both see ‘yung magagandang memories namin dati so we were able to talk through messages after the concert even the days after we were messaging and he was able to also tell me things na before hindi po namin napag-usapan. I’m also grateful for Ryan’s vulnerability as well. Sobrang real niya talaga,” kwento pa niya.

Hindi rin naman daw pinersonal ni Ryan ang mga naging biro niya sa concert. Sey raw nito ay wala siyang dapat ihingi ng tawad dahil wala naman siyang ginawang masama.

Tungkol naman sa naging reaksyon ng kanyang mister na si Yan Asuncion, natatawa lamang daw ito at wala raw naramdaman na ni katiting na selos. 

Naiintindihan din naman daw nito na bata pa sila ni Ryan nang mangyari iyon – 18 ang TV host habang siya naman ay 21.

Suportado raw nilang mag-asawa si Ryan at umaasang makahanap na ito ng babaeng makakarelasyon lalo na ngayong maganda ang takbo ng mga negosyo nito.

“Napakaganda ng heart. Sobrang ganda talaga ng heart ni Ryan. Kaming mag-asawa, talagang we’re rooting for him na dumating ‘yung time pero all his businesses are thriving. Grabe he’s amazing. Siguro talagang si Lord din, may ginagawa pa sa life niya. At talagang bine-bless din lahat nang hinahawakan ni Ryan na mga negosyo. Meron nga siyang restaurant, ang Paldo, near ABS-CBN and GMA, sana po ay mapuntahan niyo ‘yan, very good. Nakita ko po, nag-research ako. Sabi ko ‘ah, it’s really thriving’ and alam ko na sinisikap niya talaga na… wala na eh secure na siya, eh. Actually hindi na nga po sikap na kailangan, dahil sobrang secure na po siya,” dagdag pa niya.

Masasabi nga raw niyang si Yan ang itinadhana sa kanya ng Panginoon dahil nagtagpo sila noong panahong handa na siyang mag-asawa.

“Kami pong mag-asawa, napaka-magical din po story ng namin, pinagtagpo kami ni God sa time din talaga na humihingi na rin po talaga ako ng asawa. Nung time na ‘yon sabi ko talaga ‘God, lonely na ako. Lord, gusto ko nang mag-asawa.’ And it was that time na dumating din si Yan sa life ko when I was open to getting married. Kasi it was really fast. Parang six months, eight months po ganun nag-propose na agad si Yan kasi hinog na po talaga ang mangga at dapat nang pitasin. Alam mo talagang season talaga,” sey niya habang natatawa.

Samantala, present din sa mediacon ang nagbabalik na The Voice Kids host na si Dingdong Dantes kasama ang journey host na si Gabbi Garcia.

Abangan ang bardagulan ng tatlong coaches sa bagong season ng The Voice Kids na magsisimula na sa Linggo, Sept. 13, 7 p.m., sa GMA Network.

YENG CONSTANTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with