^

Police Metro

PHLPost nagbabala vs ‘smishing’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na text message o “smishing” na gumagamit sa pangalan at pagkakakilanlan ng PHLPost upang makakuha ng personal at sensitibong impormasyong pinansyal.

Ayon sa PHLPost, karaniwang nagpapadala ang mga scammer ng text message na may kasamang kahina-hinalang link. Sinasabi sa mensahe na may problema umano sa paghahatid ng isang parcel dahil sa hindi kumpletong address o kaya naman ay nangangailangan ng agarang pagbabayad ng “redelivery fee” gamit ang credit o debit card.

Mariing nilinaw ng PHLPost na hindi nagmumula sa ahensya ang mga ganitong mensahe. Hindi rin hinihingi ng PHLPost sa pamamagitan ng text message ang sensitibong impormasyon gaya ng bank details, card information, password o One-Time Password (OTP).

Para sa mga katanungan o pag-uulat ng kahina-hina­lang mensahe o aktibidad, maaaring makipag-ugnayan sa PHLPost Customer Service sa (02) 8288-7678 o 8288-POST. Maaari ring magpadala ng email sa [email protected] at PHLPost Inspectorate Department ([email protected]).

SMISHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with