‘Impakta to the maximum level’ si Imee at grupo - Castro
MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Presidential Communications Office (PCO) Claire Castro si Senadora Imee Marcos matapos nitong ilarawan na may “impakta” o ICC sa Malakanyang.
Ayon kay Castro, maaaring naapektuhan sa kanyang mga nababanggit dahil kumakalaban sila sa fake news kaya ganun ang banat sa kanya ng senadora at kanyang mga kagrupo.
Hindi aniya siya nagsasalita ng mga katagang hindi maganda sa kapwa at ang mga gumagawa nito ay ang mga taong ganito ang karakter.
Kung nailarawan aniya siya bilang impakta, ibig sabihin alam ni Senadora Marcos kung ano ang impakta.
“It takes one to know one. Alam nila ang deskripsiyon ng impakta. Kung sila ay affected sa aking nababanggit, isang impakta ang kumalaban sa fake news, sino ngayon ang impakta,” ayon kay Castro.
Giit ni Castro, walang dapat na ipag-alala ang senadora dahil ang korona ay nasa kanya, at hindi niya kayang agawin ito dahil wala ito sa kalingkingan ni Senadora Imee.
- Latest
















