^

Police Metro

Minority senators ‘boykot’ sa SONA ni Marcos

Malou Escudero, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi dumalo ang karamihan sa mga kasapi ng Senate minority bloc sa pangunguna ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes, ng hapon.

Sa panayam bago magbukas ang 2nd Regular Session ng 20th Congress, sinabi ni ­Cayetano na mas nais niyang pa­noorin na lang sa telebis­yon ang SONA.

Iginiit din na ang kanyang gagawin ay isang simpleng paraan ng kanyang protesta laban sa administrasyon.

Sinabi rin ni ­Cayetano na naniniwala siya na ang demokrasya ng Pilipinas ay “in danger” na kapag nagsalita ay biglang nagiging target katulad ng mga kasamahan sa minorya na nakakulong na ngayon.

Sinabi rin ni Sen. Imee Marcos, na hindi rin siya dadalo sa SONA at umano ay “nakakaumay” na ang pagdalo at nalulungkot din siya sa para sa mga kasamahan sa minorya dahil lahat sila ay kinakasuhan.

Maging si Senator Robin Padilla at hindi nagpakita sa SONA na una nang sinabi na  mayroon silang “family affair” kaya hindi rin siya dadalo sa SONA.

Aniya, ayaw naman niyang ma-offend ang Pangulong kung papalakpak o tatayo ang mga dadalo sa SONA gayong siya ay mananatiling nakaupo lamang o kaya ay hindi papalakpak.

Hindi rin dumalo sa SONA sina Senators Loren Legarda, Bong Go at Pia Cayetano

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with