Wilbert, emosyonal sa sorpresa ni Vice

Naging emotional ang singer-actor at dating miyembro ng all-male dance group na Hashtags (ng It’s Showtime) na si Wilbert Ross nang sorpresahin siya ng kanyang `nanay-nanayan’ sa showbiz, ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda sa kanyang sold-out two-night concert sa New Frontier Theater in Quezon City over the week-end.
Manonood lang sana si Vice sa concert ni Wilbert, pero nag-yes siya sa production nang hindi alam ng singer-actor at kinanta nila ang Mapa ng SB19.
Very proud si Vice sa inabot ng kanyang anak-anakan na si Wilbert sa career nito na naging closed kay Vice lalo na noong nag-pandemic.
Nora, Vi, Bot, at Pip, ramdam pa hanggang sa kasalukuyan
Marami ang hindi nakakaalam na ang namayapang superstar at National Artist na si Nora Aunor at ang singer, actor, director, at producer na si Edgar `Bobot’ Mortiz ay parehong produkto ng amateur singing contest sa telebisyon, ang Tawag ng Tanghalan kung saan din noon nagmula ang singer, actor-comedian, host, at producer na sina Pepe Pimentel, Diomedes Maturan, Jonathan Potenciano, at iba pa.
Si Guy (Nora) ay naging kampeon ng Tawag ng Tanghalan nung 1967 at si Bobot (Edgar) naman nung 1968.
Ang yumaong TV director na si Tony Santos, Sr. ang kumuha kina Guy at Bobot bilang magka-loveteam sa isang TV show. Pero hindi nagtagal ang tambalan ng dalawa nang pumasok si Tirso Cruz III (Pip). Napunta naman si Bobot kay Vilma Santos.
Ang tambalan nina Guy & Pip at nina Vi and Bot ang pinakamalakas na tambalan nung dekada ‘60 hanggang mabuwag ang kani-kanilang team-up at nagkani-kanya na sila ng direction sa kanilang respective solo careers na lahat nag-marka sa karir hanggang sa kasalukuyan.
Si Guy ay naging superstar at National Artist. Hindi rin nagpahuli si Vi sa kanyang acting career and eventually pumasok sa larangan ng public service kung saan siya nagtagumpay.
Si Pip ay patuloy pa rin sa pagiging in-demand bilang isang mahusay na actor, gayundin ‘di Bobot na nakapag-cross-over from singing to acting, at naging director at producer.
Ang pagiging popular loveteam noon ng Guy & Pip maging ang Vi & Bobot ay nakatala na sa kasaysayan ng Philippine movie industry at wala pa marahil makakapantay sa inabot na papularidad ng kanilang tambalan up to the present generation.
- Latest




















