^

Police Metro

Kelot pinagbabaril sa computer shop, utas

Mer Layson - Pang-masa
Kelot pinagbabaril sa computer shop, utas
Ang nasawi ay kinilalang si alyas ‘Jun,’ 40, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang mabilis namang nakatakas ang dalawang salarin sa krimen.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang lalaki nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang gunmen habang naglalaro ng video games sa loob ng isang computer shop sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si alyas ‘Jun,’ 40, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang mabilis namang nakatakas ang dalawang salarin sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa loob ng isang computer shop sa Raxabago St., Tondo.

Batay sa kuha ng CCTV camera, makikita ang dalawang salarin na huminto sa tapat ng nasabing computer shop kung saan naroroon ang biktima.

Nang matiyak na nasa loob ang target ay kaagad na umanong bumunot ng baril ang mga ito at halinhinang pinaputukan ang biktima.

Mabilis tumakas ang mga gunmen patungo sa direk­syon ng Raxabago corner Yuseco St.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with