^

Pang Movies

Vice, napapagod din sa pagiging breadwinner

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice, napapagod din sa pagiging breadwinner
Vice Ganda

Okay lang kay Vice Ganda na maging breadwinner of the family at willing daw siya na magpakapagod sa trabaho para sa kanyang pamilya.

Sa kanyang latest vlog na My Unkabogable Breadwinner Story, inisa-isa ng TV host/comedian kung bakit kahit tambak ang kanyang trabaho ay hindi siya napapagod. “As a breadwinner of the family, masarap sa puso na maramdaman mo na ‘yung mga taong dahilan ng pagsusumikap mo, pagtatrabaho mo nang husto, ng pagkakaroon mo ng pangarap, eh talagang sumusuporta sa ‘yo,” saad ni Vice.

May mga breadwinner daw kasi na hindi supportive ang pamilya at parang hindi naa-appreciate ang paghihirap nila.  “Ako, I’m so blessed because my family has always been a very supportive, grateful family. Mula sa nanay ko, hanggang sa lahat mga kapatid ko. Hanggang sa mga pamang­kin ko,” aniya.

“Kaya hindi ko alintana, hindi ko nararamdaman ‘yung pagod. ‘Di ba ‘pag breadwinner ka talagang lahat ginagawa mo kaya may tendency, may mga times na mararamdaman mo ‘yung pagod,” dagdag niya.

Pero idiniin din niyang tao lang naman din siya na nakararamdam ng pagod. “Nakakaramdam din naman ako ng pagod, kasi tao naman ako, hindi naman ako totoong kabayo. Mukha lang akong horse, pero tao naman ako. Napapagod din naman ako. At saka hindi naman ako AI (artificial intelligence), hindi rin ako robot, hindi rin ako makina, hindi rin ako computer,” sey niya.

“Pero ang laking bagay nun’g pagmamahal at suportang nakukuha ko sa pamilya ko para mas maramdaman ko yun kaysa du’n sa pagod. Kasi, mas malala ‘yung pangarap ko kaysa dun sa pagod,” paliwanag niya.

Kaya naman patuloy pa rin daw siyang kaka­yod para sa kanyang pamilya dahil worth it naman daw lahat ang kanyang pagpapakapagod. “’Yung dahilan kung ba’t ako napapagod, mas malaki siya, kaysa du’n sa pagod. Kaya napapagod man ako, pero hindi ko masyado inaalintana, kasi nga ano ako, eyes on the prize, gano’n!

“Nasa isip ko, kailangan, umayos ang buhay ng pamilya ko. Kailangan, habang tumatanda ‘yung nanay ko, sumaya siya. Habang tumatanda siya, masaya lang siya every day, ‘yung mga kapatid ko, ganu’n din.

“Kailangang, habang umaasenso ako, uma­asenso rin ‘yung mga kapatid ko,” saad ni Meme Vice.

Pero nilinaw naman niya na hindi siya inobliga ng pamilya niya na maging breadwinner.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with