^

Pang Movies

RuBi at JulVer, pini-pressure pakasal!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
RuBi at JulVer, pini-pressure pakasal!
Bianca Umali at Ruru Madrid

Eight years na ang relasyon nina Bianca Umali at Ruru Madrid at sa Instagram post ni Ruru, inaming fan siya ni Bianca.  “From being a grade school fanboy of hers...to becoming the luckiest man to call her my infinity. Happy 8th anniversary, my love. @bianxa.”

Sa post naman ni Bianca, sabi nito, “To infinity... and beyond.” May post pa ang dalawa na “Fit check ng walong taon nang magkasama.”

Ang daming bumati kina Ruru at Bianca.  May comment naman na parang pini-pressure ang dalawa na magpakasal na dahil sabi, “8 years na wala pa ang ring?” May nag-comment naman ng “Buti na lang Bianca si Ruru ang pinili mo. Deserve niu ang isa’ t isa.”

Kasunod nito ang pakiusap ng mga fans na magpakasal na sana sina Ruru at Bianca.

Huwag na raw nilang patagalin pa dahil gusto na nilang makita ang kanilang magiging mga anak.

O, ‘di ba, pini-pressure na ang dalawa na magpakasal, kaya lang, nabanggit ni Ruru sa isang interview na gusto niya may bahay muna sila bago ang kasal.

May nagtsika nga na may nabili ng lote ang aktor kung saan nila ipatatayo ni Bianca ang kanilang dream house.

Ang sweet naman ng birthday message ni Julie Anne San Jose sa boyfriend na si Rayver Cruz na birthday kahapon, July 20. “Happy Birthday to the man I want to grow old with. Words are not enough to describe how special it is that I get to love you and be loved by you- to hold you through the storms, to treasure the quiet moments in between and to witness how you achieve your dreams as they take flight. I want you to know how proud I am of you and of everything you do, even the things you think are unnoticed. And when life isn’t kind, remember that no matter what, you’ll always have me by your side.

“I pray that this new chapter brings you countless blessings that go far beyond what you can imagine and happiness that your heart truly deserves. Ray, I love you in this life and every life after.”

Sagot ni Rayver, “Thank youuuu my loveee huhu i love you so much forever and ever napaka swerte ko na adyan ka sa tabi ko palagi.”

Pati ang mga nakibasa lang sa birthday message ni Julie sa BF at sagot ni Rayver, kinilig at may naiyak pa nga dahil sobra siyang naapektuhan.

Isa sa inaabangan ng JulieVer fans tuwing birthday ng magka-love team ay ang regalo nila sa isa’t isa. Laging bongga ang birthday gift ni Rayver kay Julie and vice versa at nakaipon nga sila ng guitars dahil there was a time na puro guitar ang birthday gift nila sa isa’t isa.

Anyway, kabilang din ang JulieVer sa pini-pressure ng fans na magpakasal na. Kaya lang, gaya nina Ruru Madrid at Bianca Umali, hindi sila nagpapa-pressure. Sila ang masusunod kung kailan nila gugustuhing magpakasal.

Jake laging nakabantay, Rabiya andaming ganap

Nanguna si Jake Cuenca sa nag-like sa Instagram post ng GF na si Rabiya Mateo tungkol sa pagiging isa sa nag-conduct ng masterclass sa Q&A ng candidates ng Reinas Filipinas.

Makikita agad ang pangalan ni Jake na nag-like sa post ng girlfriend “In my element. Had  the privilege of conducting a masterclass for the Q&A portion of @reinasfilipinas. The ladies are more than ready, and can’t wait to see them shine in this very first edition.”

Pinuri ng mga netizens si Rabiya sa rami ng ginagawa outside showbis, hindi raw malayo na iwan nito ang showbis at mag-focus sa pagka-doktor at mga gawaing pang-beauty queen.

In fact, matagal na raw walang series si Rabiya at hindi masyado lumalabas sa TV, pero laging nasa balita dahil sa iba’t ibang kaganapan sa buhay niya. Idagdag pa na lagi silang nasa news ni Jake.

BIANCA UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with