^

PM Sports

Alas kinahon 5th place sa SEA V Cup

Elech Dawa - Pang-masa

CANDON CITY, Philippines — Nag­sanib puwersa sina Joshua Magalaman at Loui­e Ramirez upang ihatid sa Alas Pilipinas ang unang panalo matapos walisin sa tatlong sets ang Myanmar, 25-21, 28-26, 25-22 sa battle for fifth ng 6th SEA V Cup men’s division na nilaro sa Candon Arena, Ilocos Sur kahapon.

Tumikada si Ramirez ng 14 points mula sa 11 attacks at tatlong blocks habang 12 ang kinana ni Magalaman kasama ang walong kills, tatlong blangka at isang service ace upang hindi umuwing luhaan ang Alas Pilipinas.

Nabigo ang unang dalawang laro ng Pinoy Spikers sa Pool B matapos nilang matalo sa Cambodia sa opening day at sa 2025 SEA V. League second leg champion Indonesia noong Biyernes ng gabi.

Malinis sa dalawang laro ang Indonesia habang 1-1 ang karta ng Cambodia sa event na suportado ni Candon City  Mayor Eric Singson kasama ang Phi­lippine Sports Commission at ang Philippine Olympic Committee.

Para kay Italian head coach Angiolino Frigoni matagal ng gustong isama sa Alas Pilipinas team si Magalaman dahil inamin nitong may potensyal at kakayahan ito na makipagsabayan sa mga matitikas na volleyball players.

Samantala, umusad sa finals ang Cambodia matapos nilang silatin ang Thailand, 25-21, 16-25, 25-23, 25-17 sa semifinals ng tournament na makakakuha rin ng world ranking points.

Makakalaban ng Cambodia sa championship round ang mananalo sa pagitan ng Indonesia at Vietnam na kasalukuyan pang nagbabanatan sa isang pares ng semis.

RAMIREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with