^

PSN Palaro

Eala may dala-dala sa bawat laban

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala may dala-dala sa bawat laban
Alex Eala
Kirill Kudryavtsev / AFP

MANILA, Philippines —  Malayu-layo na ang na­rating ni Alex Eala sa mun­do ng professional tennis.

Ngunit may isang ar­mas ito na hindi nito bi­nibitawan sa tuwing luma­laban ito — ang disiplina sa sarili.

Alam ni Eala na nagsi­simula pa lamang ito sa ka­niyang tennis career ka­ya’t malaki ang papel ng salitang disiplina upang maabot ang inaasam nitong tagumpay.

“Gym is a non-negotiable. Proper sleep is a non-negotiable. It’s a continuous process. It’s only getting started,” ani Eala.

Sa kabila ng kaliwa’t ka­nang aktibidad, kaila­ngan ni Eala na ingatan ang kaniyang sarili upang ma­natili itong nasa magandang kundisyon para sa ka­niyang laban.

“I put effort into nurturing because a lot of the times, especially when I’m trave­ling so much for my job. Sometimes your career can become your whole life. And the work-life ba­lance be­comes off-balance,” kuwento pa ni Eala.

Ilan pa sa madalas na nakikita kay Eala ang social life nito kasama ang ilang WTA players.

Kabilang na rito sina Zeynep Sonmez ng Turkey, Eva Lys ng Germany at Iva Jovic ng Amerika na ilan sa close friends nito.

Minsan ay nakakala­ban din ni Eala ang mga ka­ibi­gan nito sa WTA Tour.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with