Komunista pala si Robin?
NABIGLA ang lahat sa pahayag ni Sen. Robin Padilla na isa siyang komunista na napanood ng mamamayang pilipino sa gitna ng pag-uusisa nito sa panunungkulan ni NBI Regional Director Atty. Jeremy C. Lotoc for Bangsa Moro Authonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM). Kung mayroon daw alam ito sa kultura ng isang muslim.
Pinag-aralan natin ang Philippine History at Oriental History sa High School at tinalakay dito ang mga kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Mindanao. Maging ang relihiyon at pananampalataya ng mga ninuno nating mga mandirigmang muslim. Ano ka ba naman Robin!
Ang tradisyonal na komunismo ay itinatag ni German Philosopher na si Karl Marx na isang atheist at hindi naniniwalang may Diyos. Si Robin ay dating kristiyano na napagbagong loob ng katuruan ng muslim na parehong naniniwalang may Diyos. Nakupo naman Robin!
Ang Kristiyano ay naniniwalang may Diyos ayon sa katuruan ni Abraham at Hesukristo na nagturong may Amang Diyos sa langit at ang Islam ay naniniwala sa Diyos ni Abraham àt Ismhael na pinalaganap ni Propeta Muhammad at nagturo hinggil sa kapangyarihan at kabutihan ni Allah. Papaano na ‘yan kung totoong komunista si Robin?
Nakakahiya naman na isali natin sa maruming pulitika ng Pilipinas ang kapurihan ng Diyos ng ninuno nating si Abraham lalo na sa impeachment trial ni VP Sara na naging Co Chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Nalalagay sa kompromiso si Robin. Kasi naman eh!
Mahabang salaysayin pa ang impeachment trial bago humatol ang mga senator judges at kumporme na lamang ito kung may babaliktad sa grupo ng minorya sa senado para maabot ang 16 na boto para ma-impeach si Sara. Sige Robin atungal pa!
- Latest
















