Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 19)
PUMASOK ako sa room ng doktor para ipabasa ang resulta ng 2DEcho ni Victor. Iniabot ko ang envelope kay Doctor.
Binasa ng doktor. Napatangu-tango ito.
“Normal na ang lagay ng puso ng kapatid mo. Wala akong nakikitang problema,” sabi ng doktor.
“Totoo po Doctor? Hindi na po lumalaki ang puso niya?”
“Hindi na. Normal na.”
“Salamat po, Doctor. Salamat po Diyos ko!”
“Pero ipagpatuloy niya ang pag-inom ng gamot. Dalhin mo siya rito after two weeks.”
“Opo Doctor.”
“Sundin pa rin ang mga sinabi kong payo—bawal ang masyadong maalat.”
“Opo Doktor. Salamat po uli.”
“Sige.”
Lumabas ako ng room na masayang-masaya sa magandang balita.
Nagbayad ako sa secretary.
Habang naglalakad ako pauwi, naisip ko ang mga sinabi ni Victor kanina nang aalis na ako.
Magaling na raw siya. Wala na raw siyang sakit.
At nagkatotoo nga. At ang nakapagtataka pa, hindi nga siya sumailalim sa second 2DEcho test!
Bigla kong naisip ang Mahal na Birhen ng Fatima na nagbigay sa akin ng pera. Naghimala sa amin ang Birhen! (Itutuloy)
- Latest















