Bea, walang problema sa pagbubuntis! tarot reader, nahulaan ang kasal

Maraming masaya na para bang kamag-anak nila sina Bea Alonzo at Vincent Co na natuloy na finally ang kasal nila at tapos na ang ‘drama’ sa kanilang relasyon.
Invested ang maraming netizens sa relasyon ni Bea at ng bilyonaryong negosyante.
Ikinasal sila ni Makati Mayor Nancy Binay noong Lunes ng gabi na walang nakakaalam na kaibigan. Dalawa lang daw ang witnesses.
Very simple ito at malayo sa inasahang engrandeng kasalan sa Spain noong May kung saan bumiyahe ang marami nilang kapamilya at kaibigan.
“Home” lang ang caption sa post ni Bea kahapon ng wedding photos nila na black and white (na hindi raw magandang sign) pero dagsa ang mga nag-congratulate sa kanya kabilang na sina Anne Curtis, Ivana Alawi, KC Concepcion at marami pang iba.
Palagi ang music background nito ni TJ Monterde.
Kasabay nito ay naglabasan ang isang interview sa tarot card reader (TCR) kung saan nagtanong si Bea kung ikakasal pa ba siya.
Kasama niya sa nasabing interview si Kakai Bautista.
“Later on pa nga. Civil ‘yung una, eh. Hindi ka church una pero medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” sabi ng tarot card reader kay Bea five years ago.
Tanong ulit ni Bea: “Seven months, hindi pwede magtatrabaho pa ako. Seven years naman ang tanda ko na no’n. Forty na! Forty pa ako ikakasal?”
Sagot naman ng tarot card reader: “Pero bongga naman ‘yung magiging kasal mo and marriage life after. Kasi if you’ll be married now, may chances na mag-separate kasi. Ito ‘yung mapapangasawa mo.”
“Bakit puti na ‘yung buhok? Matanda na?” tanong ni Bea.
“Mature na kasi siya. Mature mag-isip. Ang love niya is true. Tapos it’s a good start,” sabi pa ng tarot card reader habang binabasa nga ang mga card na kanyang binalasa.
Hanggang tinanong ng aktres kung magkakaanak pa siya. “‘Pag good family life nakita ko na kanina ‘yan, you will have. Magkakaanak.”
“Ilan” tanong ulit ng actress.
“Supposed to be tatlo, eh. Pero ang klaro sa akin dalawa,” say ng tarot card reader.
“Ayy tatlong baby, gusto ko talaga tatlo,” hirit ulit ng actress.
“One girl and one boy,” say ulit ng TR.
“Very long life ka. Very bongga ang career mo. Sobrang yaman ka.
“Milyonarya?” tanong pa ni Bea.
“Yeah. Because of this and business mo rin,” hirit pa ng tarot card reader.
Ayun nga. So maraming naghahanap ngayon sa nasabing TCR.
Samantala, may payo naman si Atty. Lorna Kapunan sa mga kababaihan matapos makumpirma ang kasal nina Vincent at Bea. “Well, putting on my lawyer’s hat, I advise all of you girls here: Don’t get married,” aniya sa mga nag-interview sa kanyang reporter na kumalat sa social media pagkatapos kumpirmahin ni Makati Mayor Nancy Binay na ikinasal nga niya ang actress at negosyante.
Sari-sari ang naging usap-usapan tungkol sa naunang naudlot na rason ng kasalan nila sa Spain. May kanya-kanyang version ang kampo ng bagong kasal.
At marahil ‘yun ang rason kaya hindi na nila ipinaalam sa mga tao around them na gagawin na nilang legal ang kanilang pagsasama. Na kahit ang mga best friend nila ay walang idea.
Na kahit tinatawagan sila ay hindi na sumasagot sa mga message noong araw na ikinasal sila.
As in dedma raw pareho ang bagong mag-asawa kahit panay ang tawag ng malalapit sa kanila.
Anyway, sinabi rin mismo ni Atty. Joey V. Garcia na pumirma ang newlyweds ng prenuptial agreement at wala raw naging problema rito ayon sa kanyang interview sa GMA 7. “I must state clearly and unequivocally, for the record and in fairness to all concerned, that a prenuptial agreement was duly signed executed and entered into freely and voluntarily by the contracting parties, Ms. Bea Alonzo and Mr. Vincent Co, without issue,” sabi ng abogado.
At ang susunod na babantayan, project baby ni Bea.
Common knowledge na may naka-freeze na eggs si Bea kaya hindi problema ang edad sa kanilang magiging baby ng kanyang mister na negosyante.
Thirty-eight years old sa kasalukuyan si Bea habang 46 si Vincent.
Naalala ko lang ang kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Tho sa isang hotel ‘yun naganap at Christian wedding pero walang may alam sa partidos ni Sarah.
- Latest






















