AI law isinusulong sa Kamara
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang pagsasabatas sa panukalang Artificial Intelligence Development and Regulation Act.
Layunin ng panukalang batas na pabilisin ang pag-unlad at responsableng pag?gamit ng artificial inteligence (AI) sa Pilipinas? kaysa sa paghihigpit sa pagkamit nito at magkaroon ng access para sa mga Filipino researchers, AI adoption sa mga maliliit na negosyante, eskwelahan at iba pa.
“We studied Brussels, Washington, and Beijing, but we are writing a Filipino law, one that works for the farmer, the teacher, and the small business owner in the province,” pahayag ni Benitez na tumatayong chairman ng technical working group (TWG) sa ilalim ng House Committee on Information and Communications Technology (ICT).
Nasa 60 stakeholders mula sa government agencies, regulators, industry, universities, at civil society ang dumalo sa deliberasyon sa Speaker Nograles Hall sa Kamara de Representates.
Kaugnay nito itinuturing na prayoridad ng Kamara de Representantes ang panukalang ito, kung saan 26 na panukalang batas mula sa Kamara, tatlong resolusyon, at isang privilege speech ang isinangguni sa TWG at kalaunan ay pinagsama-sama sa inihandang substitute bill.
Nagkaisa ang mga kalahok na dapat idisenyo ang mga AI system upang suportahan ang human autonomy, informed decision-making, at makabuluhang human oversight.
Pinagtibay ng panel ang probisyon na nagsisiguro na gagamitin ang AI upang mapahusay, sa halip na pahinain, ang kakayahan ng tao sa pag-iisip at pag-unawa.
- Latest




















