Alex at Atasha, kinokonek sa nepo babies!

Pareho ng sitwasyon ngayon sina Alex Eala at Atasha Muhlach.
Pareho silang naba-bash at naiisyuhan ng pagiging nepo baby.
Ang isyu kay Atasha, hindi raw nag-audition sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical at kaya lang napilli sa karakter ni Annie B dahil anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez at favorite ng Viva Entertainment.
Ang isyu kay Alex, rich kid kaya nakapag-training sa Rafael Nadal Academy (RNA) sa Spain. Kahit sinabi nang thru scholarship kaya siya nakapasok sa RNA, ayaw pa ring tanggapin ng basher nito. Pati ang pagkakaroon ng corporate job ng mom nito, isyu sa basher.
May paulit-ulit na sinasabing hindi magaling si Alex na kinokontra ng fans nito at nasusunog sa kanilang rebuttal ang basher ni Alex.
Hindi makahirit ang basher sa rami ng nagtatanggol sa kanya. Bakit daw ito iniidolo ng karamihan at pinagmumukhang perfect? Ang sagot ng fans niya, inggit lang ang bashers at may rason naman para idolohin siya at i-admire.
Pati ang panonod nito ng concert ni Bad Bunny, pinuna pa rin. It turned out na first concert niya ‘yun na napanood at natupad ang wish na makapanood ng concert na never pa pala niyang na-experience. Kitang nag-enjoy ito nakisayaw at nag-comment in Spanish.
Anyway, nasa bansa si Alex and she was accorded a hero’s welcome at tiyak, mas masasabi na naman nito ang kanyang bashers.
Thai star Kateyki, darating sa ‘Pinas!
Darating sa bansa ngayong araw ang Thailand Internet sensation na si Aon Somrutai at ang rason ng kanyang pagbisita ay “she begins her Philippine entertainment journey through GLXY Talent Management and Universal Records.”
Ibig sabihin, papasukin ni Aon ang Philippine showbiz at magiging recording star pa dahil nabanggit ang Universal Records. Nakilala natin siya dahil kay Heart Evangelista nang mag-post si Heart ng photos at reels nila nang magkita sa Paris Fashion Week.
Hindi nakakagulat kung sa pagbisita ni Aon sa Manila, her first-ever visit to the country ay muli silang magkita ni Heart. Baka nga mag-host pa ng dinner si Heart para sa kanya at ipakilala siya sa kanyang mga kaibigan.
Kilala si Aon sa catchphrase niyang “Thank you, Kateyki” at sa kanyang online presence. Kita naman natin ang suot niya sa Paris Fashion Week, pareho silang nangabog ni Heart sa kanilang Outfit of the Day o OOTD at presence.
May fanmeet daw si Aon habang nasa bansa at maggi-guest sa It’s Showtime at may feature sa Mega magazine. Baka madagdagan pa ang TV guesting nito, kaya abang lang ang fans ni Aon.
BB, laging buntot ni Sen. Robin?!
Parang bumabawi si BB Gandanghari sa matagal na wala siya sa bansa dahil she’s everywhere ngayon at nako-quote pa ang mga sinasabi. Sumasama siya sa mga event ng kapatid na si Sen. Robin Padilla gaya nang pumunta sila sa Tacloban City after ng shooting sa isang school doon. Kasama rin siya ni Robin sa isang ribbon cutting na kasama pa si Senate President Sherwin Gatchalian.
Sa reels, makikitang hindi lang siya nasa background, katabi siya ni Robin at nauulit ang mga eksenang ‘yun sa kanilang mga lakad. Kasama rin siya ni Robin sa libing ni Rene Baterbonia.
Makikita ring nag-i-enjoy si BB sa pananatili niya sa bansa, ang dami niyang napuntahan at ang dami niyang mga lakad. Galing siya sa Bicol at panay rin ang bonding kasama ang mga anak nina Robin at Mariel Rodriguez. Aliw ‘yung naligo sila sa fountain na nasa harap ng bahay nila Robin.
Nakipag-bonding din si BB kina Ruffa Gutierrez, Ana Roces, Almira Muhlach at binisita sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Tama ang caption nito na “Reconnecting...”
- Latest

























