Bamboo at SB19, niyanig ang Araneta!

Punung-puno ang buong Araneta Coliseum sa Puregold “OPM Con Generations” na ginanap last Saturday, July 11, 2026.
Pagsama-samahin ba naman ang OPM icons and legends sa bansa tulad ng Kings of Pops SB19, Ben&Ben, Chito Miranda of Parokya ni Edgar, Skusta Clee, Jay Durias of South Border at iba pang sikat na OPM talents, bakit nga hindi ito maso-sold-out?
Needless to say, it was an unforgettable night para sa lahat ng fans na sumaksi sa naturang engrandeng event.
Sinimulan ng P-pop group na Alamat ang concert sa kanilang performance ng Dagundong and Kasmala at kasunod nito ang collaboration nila with Jett Pangan sa classic hit song na Salamat.
Ipinakita naman ng P-pop group Xonara ang kanilang performance sa mga awiting Tabi, Ikigai and TBC.
Sumunod naman ang girl group na KAIA na nag-perform ng Tanga and Walkie Talkie na sinundan ng collaboration with Sam Concepcion sa awiting Dati Rati.
Nagpasiklab naman ang G22 sa kanilang awiting Groove On, Super Saiyan and PaPaPaPalaban.
Nayanig din ang Big Dome sa OPM band na Sunkissed Lola with their songs, White Toyota, Dalawang Patinig, Pakisabi and their breakout hit, Pasilyo.
Ang rapper na si Flow G ay bumanat naman ng kanyang mga awiting Rapstar, Highscore, Lokal and Driftstar. Kasunod nito ang collaboration nila ni Chito Miranda ng Harana.
Isa pang tinilian ng audience ay ang collab nina Skusta Clee at Jay Durias sa classic hit ng South Border’s na Ikaw Nga.
Hindi rin matapus-tapos ang tilian ng fans nang mag-perform na ang Ben&Ben ng mga awiting nilang Araw-Araw, Leaves and Lifetime before doing a collab with former UDD vocalist Armi Millare.
At siyempre, ang nagpayanig nang todo-todo sa buong Araneta Coliseum ay ang SB19 with their finale performance of Gento, Emoji, Memories and Wakas.
Mas lalo pang dumagundong ang Big Dome nang biglang um-appear si Bamboo and together with SB19, they performed Tatsulok.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng Puregold sa lahat ng artists na nag-perform gayundin sa lahat ng fans na sumuporta.
With three successful editions to its name, Puregold OPM Con continues to grow alongside the Filipino music industry it proudly supports.
Over the years, it has become one of the country’s leading platforms uniting artists, fans, and music lovers through a shared love for OPM.
Rere at Kai, lalake ang panganay!
It’s a baby boy for Rere Madrid and Kai Sotto!
Masayang ibinahagi ng basketbolista ang video ng isinagawa nilang bonggang gender reveal party kamakailan na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
Sa nasabing video ay mapapanood na nagpasabog ng blue smoke sa stage at kasunod ng announcement na “It’s a boy!”
Sa caption ni Kai ay ipinahayag niya ang labis na kasiyahan at excitement sa paparating nilang baby.
“From tiny kicks to big dreams, our greatest adventure is just beginning. It’s a BOY.
“Our first little one is on the way, and we couldn’t be more excited to meet you, son. The secret’s out, and our hearts are already yours.
“A heartfelt thank you to all of our amazing suppliers for making our gender reveal so special,” pahayag ng 7-footer basketball player.
- Latest





















