^

Pang Movies

Julia, gutom sa mga pag-aaral sa pera

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Julia, gutom sa mga pag-aaral sa pera
Julia

Gutom na gutom matuto si Julia Montes.

Ito ang inamin ng business partner ng actress na si Pinky Tobiano kahapon. Magkasosyo sina Julia at Pinky sa negosyo nila na Swiss Proli.                                                                                               

“Julia is our CEO, she has a stake in Swiss Proli.

“And a as a partner, she is very committed at madetalye, talagang binabasa niya ‘yung report. One thing nice about Julia, she plans. Kapag may mga financial statements, she learns. Nag-aaral ‘yun,” sabi ni Pinky nang tanungin nga namin kung paano maging business partner si Julia na ang usap-usapan ay mahigpit sa pera at by the book ang bawat gastos kahit sa Sigabo bilang ito nga raw ang in charge sa production ng pinagbibidahan nilang serye ng karelasyong si Coco Martin.

“Julia is very careful, with managing finances. Ang importante sa isang negosyo ‘yung cash flow, healthy. At first, very practical si Julia. At alam niya kung kailangan niya mag-promote, all out siya. At believe ako sa bata na ‘yan. Gutom siya matuto at gumawa on her own. Besides showbiz, she wants something stable,” kuwento pa ni Pinky na gumaganap na bilang Pinky rin sa Sigabo na donya-donyahan at madalas kaeksena sina Edu Manzano at Carmi Martin.

Pero nang tanungin na siya kung totoo bang nagpaplano sina Coco at Julia na mag-settle sa Spain kasama ang kanilang mga anak, wala raw siyang alam sa personal na buhay ng magkarelasyon.

“Julia and I are very close as friends. When it comes to our personal life and business, we have bounderies, that is why nag-click ‘yung business chemistry naming dalawa. Kaya, that’s all I can say. Julia is a very good and promising entrepreneur.”

Anyway, may palabas daw silang new product. “The very first stem cell nasa gummies with collagen and glutathione.”

Samantala, andami na raw natutunan ni Pinky sa Sigabo particular na kay Coco na isa rin sa mga director ng serye. “Sobrang exciting. It’s my very first teleserye. Ang daming experiences, ang dami ko na-learn, but most of all the friendship, grabe.”

Aniya, wala naman grabeng adjustment o workshop. In fact, sa YouTube lang daw siya nag-workshop para sa kanyang role na nagbebenta ng ‘ginintuang lupa. “Nag-workshop ako sa YouTube para matuto. But soon, I will have a workshop. Saka si Carmi Martin, very supportive. Siya ang aking mentor sa taping. Maraming exciting mangyayari sa akin. So watch Sigabo. I will have actual fight scenes,” sabi pa ni Pinky na ultimate dream pala niya talaga ang umakting.

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with